Thursday, July 16, 2009

Litratong Pinoy: TUYO (Dry)



Para sa mga nakadarama ng di pangkaraniwang pagkatuyot ng lalamunan, ang Absolut Icebar sa Stockholm ay para sa inyo.

Mula sa mga dingding, hanggang sa mga mesa, upuan, at mismong basong sisidlan ng inumin, ang buong bar ay gawa sa yelong hango sa Ilog Torne sa Swedish Lapland. Ang silid ay pinanatili sa lamig na -5C kaya't ang kapaligiran ay walang basa-basang lugar; kung mayroon man, marahil naikubli na ito ng mga pang-ibabaw na gawa sa balat ng reindeer.

Limitado ang maaaring pumasok sa bar- mga 20 lang kada grupo- kaya't mahigit isang oras kaming pumila bago nalasap ang kakaibang hagod ng iba't ibang halo ng vodka sa pinakakakaibang sisidlang pang-inumin.

TUYO = DRY For those suffering from a drought of a different kind, the Absolut Icebar in Stockholm is for you.

From the walls to the tables and seats, up to the glasses the drinks are served in, everything is made of ice from the waters of the Torne River in the Swedish Lapland. The room is maintained at a cozy temperature of -5C; hence, no spills or puddles in spite of the fact that everything is made from water. If ever there are such meltings, the rugs and seat covers made from reindeer hide would have soaked them up or something.

Since only about 20 people at a time are allowed to stay in the bar so we had to stand in line for at least an hour before we got the chance to experience the Absolut-ly interesting taste of vodka served in the most chilly of drinking vessels.

Nordic Sea Hotel, Stockholm, Sweden, September 2007, using a digicam.

7 comments:

  1. Uy gusto ko dyan!!! Haha! Happy LP!

    ReplyDelete
  2. type kong pumunta diyan para maranasan lang:D maligayang LP!

    ReplyDelete
  3. Galing ah! Maswerte ka at nakapunta ka dyan. Maligayang araw ka LP!

    ReplyDelete
  4. Ay sana makapunta rin ako sa ganyan.

    Ang aking lahok sa LP ay naka-post DITO. Isang maulang Huwebes sa iyo, kapatid!

    ReplyDelete
  5. I want to go there!!!! :D How innovative are those folks? :D Happy LP!

    ReplyDelete
  6. hmmm, pinatuyong basa...ok ha! tapos malamig pa, kakaiba :)

    happy lp po!

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.