

Para sa maraming Pilipino, anuman ang ating relihiyon na inaaniban o pananampalataya, pangkaraniwan na ang makakita tayo ng simbahan sa ating mga bayan. Kaakibat nito ang tunog ng mga kampana, lalo na sa mga partikular na oras tulad ng orasyon o di kaya'y bilang hudyat ng pasimula ng isang misa. Ang simbahan sa itaas sa unang tingin ay kahanay lamang ng mga pangkaraniwang simbahan nguni't ang simbahan ng San Lorenzo sa Balangiga sa Samar ay bahagi ng malungkot na kasaysayan ng Pilipinas na tinaguriang
Balangiga Massacre.
Sa di masyadong maraming salita, ang Balangiga Massacre ay engkwentro ng mga Amerikano at Pilipinong gerilya noong 1901 na naging bunga ng at nagbigay bunga sa serye ng mga pagkitil sa maraming buhay. Sa huli, ang mga Amerikanong mananakop, matapos maipaghiganti ang pagkamatay ng 40 nilang kasama sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng katao sa Balangiga na may edad 10 taong gulang pataas, ay nakuha pang nakawin ang
tatlong kampana ng simbahan ng Balangiga.
Mapahanggang sa ngayon ay naka-display ang mga naturang batingaw sa Amerika at Timog Korea, tanda ng kanilang pananakop at paniniil sa mga Pilipino. Ang mga kampanang ito- mga gamit pang-ispirituwal na di dapat kailanman kinamkam bilang pabuya ng giyera- ay dapat nang ibalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, sa parokyang ninakawan ng kampanang pagkakagisnan.
Online petition para ibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas.KINAGISNAN = WHAT WE ARE USED TO Filipinos regardless of faith or religious affiliation are used to seeing churches in towns and cities. The peal of bells signaling the Angelus or the beginning of mass are part of a town's daily sights and sounds. The church above may seem ordinary but it sits in an area that has been a witness to a dark period in Philippine history,
the Balangiga Massacre.
In not so many words,
the Balangiga Massacre is a product of and resulted to a horrific series of events at the beginning of the American occupation of the Philippines in 1901. At the end of it all, the American soldiers avenged the death of 40 comrades at the hands of Filipino guerillas by killing residents of Balangiga who are at least ten years of age; they even took as war booty the three bells of Balangiga.
Currently, the bells are still in American possession, displayed in Wyoming and South Korea, unwitting symbols of American imperialism and arrogance. These religious artifacts which should have been exempt from being taken by these pillagers in the first place must be returned to the Philippines now. They must be returned to the town of Balangiga whose people hear nothing but the deafening silence of American indifference in place of their beloved bells.
Online petition for the return of the Balangiga bells to the Philippines.
Balangiga, Samar, September 2006 using my Canon A430 digicam.