Thursday, November 13, 2008

Litratong Pinoy (LP): KINAGISNAN (What we are used to)



Para sa maraming Pilipino, anuman ang ating relihiyon na inaaniban o pananampalataya, pangkaraniwan na ang makakita tayo ng simbahan sa ating mga bayan. Kaakibat nito ang tunog ng mga kampana, lalo na sa mga partikular na oras tulad ng orasyon o di kaya'y bilang hudyat ng pasimula ng isang misa. Ang simbahan sa itaas sa unang tingin ay kahanay lamang ng mga pangkaraniwang simbahan nguni't ang simbahan ng San Lorenzo sa Balangiga sa Samar ay bahagi ng malungkot na kasaysayan ng Pilipinas na tinaguriang Balangiga Massacre.

Sa di masyadong maraming salita, ang Balangiga Massacre ay engkwentro ng mga Amerikano at Pilipinong gerilya noong 1901 na naging bunga ng at nagbigay bunga sa serye ng mga pagkitil sa maraming buhay. Sa huli, ang mga Amerikanong mananakop, matapos maipaghiganti ang pagkamatay ng 40 nilang kasama sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng katao sa Balangiga na may edad 10 taong gulang pataas, ay nakuha pang nakawin ang tatlong kampana ng simbahan ng Balangiga.

Mapahanggang sa ngayon ay naka-display ang mga naturang batingaw sa Amerika at Timog Korea, tanda ng kanilang pananakop at paniniil sa mga Pilipino. Ang mga kampanang ito- mga gamit pang-ispirituwal na di dapat kailanman kinamkam bilang pabuya ng giyera- ay dapat nang ibalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, sa parokyang ninakawan ng kampanang pagkakagisnan.

Online petition para ibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas.

KINAGISNAN = WHAT WE ARE USED TO Filipinos regardless of faith or religious affiliation are used to seeing churches in towns and cities. The peal of bells signaling the Angelus or the beginning of mass are part of a town's daily sights and sounds. The church above may seem ordinary but it sits in an area that has been a witness to a dark period in Philippine history, the Balangiga Massacre.

In not so many words, the Balangiga Massacre is a product of and resulted to a horrific series of events at the beginning of the American occupation of the Philippines in 1901. At the end of it all, the American soldiers avenged the death of 40 comrades at the hands of Filipino guerillas by killing residents of Balangiga who are at least ten years of age; they even took as war booty the three bells of Balangiga.

Currently, the bells are still in American possession, displayed in Wyoming and South Korea, unwitting symbols of American imperialism and arrogance. These religious artifacts which should have been exempt from being taken by these pillagers in the first place must be returned to the Philippines now. They must be returned to the town of Balangiga whose people hear nothing but the deafening silence of American indifference in place of their beloved bells.

Online petition for the return of the Balangiga bells to the Philippines.

Balangiga, Samar, September 2006 using my Canon A430 digicam.

15 comments:

  1. ang ganda ng structure nyan:)
    maligayang LP

    p.s. maganda rin ung pagkakuha:)
    saludo!!!

    monkeymonitor.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. dapat talaga balik na sa atin yang balangiga bells na yan eh. hay nako.

    anyways, happy LP sa iyo.

    ReplyDelete
  3. lovely church... salamat sa pamamahagi ng iyong lahok.

    Eto ang aking lahok. Salamat.

    ReplyDelete
  4. thank you!

    yung kagandahan ng kuha ay panis kung ihahambing sa ningning ng simbahang ito sa personal =]

    ReplyDelete
  5. Ganda ng arkitekto nyan! Kalungkot n kasaysayan...

    ReplyDelete
  6. ahhh...so dito pala yun, ang kontrobersyal na balangiga bells.may pag-asa pa kaya?

    ReplyDelete
  7. Dahil sa iyo, may nalaman ako tungkol sa istorya ng digmaan AT sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang simabahan na yan. Ang ganda! Akala ko nuong una ay kuha sa ibayong dagat!

    Sige, iche-check ko ang petisyon na yan para sa mga batingaw.

    ReplyDelete
  8. napakagandang simbahan...ang linis.
    sana po'y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

    ReplyDelete
  9. Oo nga, ang linis at maganda (parang bagong pintura!). Palagay ko dapat nang umuwi sa atin ang Balangiga bells dahil hindi naman kanila iyon. Naalala ko tuloy iyong bust ni Nefertiti na nahukay matagal na, hanggang ngayon ay nasa Germany pa rin at ayaw ibalik sa Egypt.

    ReplyDelete
  10. Hello doc! ngayon ko lang nalaman na meron ka pala isa pang blog :) Ok itong mga kuha mo ah!

    ReplyDelete
  11. sana nga ay maibalik sa atin ang Balangiga bells...ang cute ng simbahan!

    ReplyDelete
  12. A beautiful church that resemble a small castle to me :)

    ReplyDelete
  13. thanks for visiting everyone. this controversy is a long standing one but it remains unresolved. i agree, the beauty of the church hides the scars of its past; unfortunately, no paint can be a healing balm to its past hurts...

    ReplyDelete
  14. Thank you for featuring the church of Balangiga. I am a proud Waray. i hope you can also visit someday the part of Samar which nurtured me in my younger years, Northern Samar.

    ReplyDelete
  15. Let the Freedom Bells Ring once more!
    Return our Bells!
    Our Church is the one of the living witness of the past... together with the tree BELLS!!!

    pls. visit our friendster account for more photos... balangiganon@yahoo.com

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.