Thursday, November 20, 2008

Litratong Pinoy (LP): MADUMI (Dirty)




Taliwas sa mga kapwa natin Asyano, ang Pilipino na marahil ang pinakamaboka sa mga naninirahan sa sinasabing Silangang bahagi ng mundo. Imbis na mangimi o tumahi-tahimik na lamang, may nadarama tayong laya na isigaw at isagawa ang ating mga nasasaisip. At ito ay kitang-kita sa mga halalan sa Pilipinas. Hindi lamang sila simpleng gawaing politikal; madalas, nagmimistula itong pista.

Hindi na bago ang makakita ng mga bandi-bandiritas ng mga poster at patalastas ng mga kandidato sa bawat pader ng bayan. Walang pinatatawad na bakanteng espasyo. Subali't higit sa duming iniiwan ng mga pulyetos at mga poster, ang tiwaling pangangampanya gamit ang dahas, pera, at pananakot ang mga pinapanalangin ko na mabago sa Pilipinas, sa panahon ng eleksiyon at palagi.

MADUMI = DIRTY Unlike our neighbors, Filipinos arguably are the most outspoken among Asians. Rather than be silent, we express our freedom by speaking or living out our thoughts and ideals. This is very evident in the way elections happen in the Philippines. They are not mere political exercises but celebrations by themselves.

It is not uncommon to see the visual clutter, posters of candidates festooned over every centimeter of empty vertical space. But more than the mess evident in our leaflets- and brochures-strewn streets, the dirt I pray that the country will be cleansed of is the culture of guns, goons, and gold dominating the nation during election time... and beyond.

Malaybalay City, Bukidnon, April 2007, using my Canon A430 digicam.

25 comments:

  1. Korek ka dyan! At ang pangangampanya'y di lamang pag panahon ng eleksyon. Di nga ba't may mga banners din sila kapag Pasko o Valentines? Ha ha.

    Magandang Hwebes!

    ReplyDelete
  2. ilang buwan na lang at papalapit na naman ang panahon ng karumihan--sa kalsada at sa balota :)

    happy lp!

    ReplyDelete
  3. all-year-round nga ang banners sa buong pilipinas. eye sores talaga sila.

    ReplyDelete
  4. Dapat nagbabayad sila ng adspace eh, cguro mayaman na ang mga may ari ng pader! (Wag lang sana sa gobyerno yung pader!) hehe

    Happy LP!-Mirage

    ReplyDelete
  5. Ang sakit sa mata ano? :D

    Happy LP!

    ReplyDelete
  6. Mas madali pa sigurong linisin ang mga banderang nakapaskil kesa sa linisin ang gobyerno. Haay...

    ReplyDelete
  7. Agree ako - mas mahirap nga sigurong linisin ang dumi ng pulitika sa Pilipinas kaysa sa mga iniwang election paraphernalia.

    ReplyDelete
  8. oo nga pero naman ang tatamad magsipaglinis sa kanilang mga dumi pagkatapos ng todo-todong bokahan. kaya naman, hindi lang magulo ang ating eleksiyon, maduming-madumi pa. maligayang LP sa iyo.

    ReplyDelete
  9. dapat talaga gumawa ng batas na ugnay dyan eh. lahat ng poster mo dapat ikaw ang magbakbak. kung hindi, dapat may multa o kaya community service :)

    eto nga pala lahok ko..Madumi

    ReplyDelete
  10. dapat sa ibang paraan na lang mangampanya...madami pa namang paraan eh

    hindi lang sa pagpapadikit ng mga mukha nila:)

    http://monkeymonitor.blogspot.com/

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Halos di pa nga nababaklas ang mga banderitas nung nakaraang eleksyon ay mukhang madadagdagan na naman ito - malapit na naman ang eleksyon e.

    ReplyDelete
  13. Malapit na naman ulit ang eleksiyon. Buti kung yan lang ang duming lumalabas sa panahong ito, meron pang ibang mas malala, ang paglabas ng dumi ng mga kandidatong laban sa isa't isa.

    ReplyDelete
  14. Magaling sa pagsabit ng mga poster ,, pero pag natapos na ang eleksyon,, tinatamad ng maglinis!!!!
    eto naman ang sa akin http://aussietalks.com/2008/11/litratong-pinoy-madumi.html

    ReplyDelete
  15. hay naku, dapat ay ipagbawal na ang paglalagay ng poster at ipenalized ang mga lalabag kasi hindi naman marunong maglinis :)

    ReplyDelete
  16. mga bagong panuntunan at bagong manunungkulan para sa pagbabagong-anyo sa labas at kalooban ang ating kailangan... salamat sa pagdaan =]

    ReplyDelete
  17. sana man lang pag natapos na ang election, eh tanggalin naman nila ang mga poster/banners na yan!

    Eto ang aking lahok.

    ReplyDelete
  18. Dapat siguro ipagbawal na yan. Di naman nila nililinis o tinatanggal pagkatapos eh. Hinahayaan na lang mabulok kung saan nakapaskil.

    Ito po ang lahok ko.

    ReplyDelete
  19. kainis ang mga kandidatong di marunong maglinis ng dumi nila...
    pasensya na at nahuli ako, pakisilip ang aking lahok.... :)

    ReplyDelete
  20. huli man daw at magaling, magaling pa rin! salamat sa pagdaan ng mga kararating pa lamang =] salamat sa pagbabahagi ng mga litrato ninyo!

    ReplyDelete
  21. sorry sa late na pagdaan! hehe. tama ka, grabe ang clutter na related sa pulitika (literally and figuratively). happy LP!

    ReplyDelete
  22. hello ian, humahabol :)

    alamo yan ang pinaka-ayaw kong part sa eleksyon, yung nadudumihan halos lahat ng parte ng mga public na kalsada at areas. buti sana kung nalilinis pagkatapos.

    ReplyDelete
  23. yun din sana ang gusto kong ilahok. iniisip ko kung papano isasalarawan ang dumi ng politika. Pero naisip ko, ayoko munang magpaka-negatibo.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  24. Hi we are just started the Christmas giveaways check this out....Lots of huge prizes...thanks for sponsoring.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.