Thursday, November 27, 2008

Litratong Pinoy (LP): ANG PAGWAWAGI (Victory!)




Ito ang Ang Pangingibabaw ng Agham Laban sa Kamatayan (The Triumph of Science Over Death), sinlaki-ng-taong lilok na halaw mula sa orihinal na gawa ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ang dalagang may tangan na sulo ay nakatuntong sa isang bungo, isang paglalarawan ng pagwawagi ng mga makabagong paraan sa panggagamot kontra mga karamdaman.

Ang istatwang ito- binansagang Lady Med- ay matatagpuan sa harapan ng pangunahing gusali ng Kolehiyo ng Medisina ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Ang orihinal na likha ni Rizal, may taas na humigit-kumulang 18 pulgada ay matatagpuan naman sa Dambana ni Rizal sa loob ng Kuta Santiago.

ANG PAGWAWAGI = VICTORY

This is The Triumph of Science Over Death, a life-size rendition of a sculpture originally done by the Philippine National Hero Dr. Jose Rizal. The woman with a raise torch is perched atop a skull, symbolizing the innovations in the health care field that has saved the lives of countless people.

This monument- fondly called Lady Med- stands in front of the main building of the College of Medicine, University of the Philippines Manila. The original sculpture done by Rizal- which is about 18 inches tall- rests among the invaluable memorabilia in the Rizal Shrine inside Fort Santiago.

Calderon Hall, University of the Philippines College of Medicine, Manila, 2006, using my Woca 120G toy camera.

10 comments:

  1. wow..ganda nyan sir:)
    keep8up..

    happy LP

    nandito ang aking lahok

    monkeymonitor.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang narinig ito ah:) at kung tutuusin napunta na ako sa Rizal Shrine. Dapat tingnan ko uli :) Salamat at naikuwento mo dito.

    ReplyDelete
  3. ako man, nung nag-aral na lang ako dito sa paaralan namin nang malaman ko na may nililok pala si Rizal na ganitong monumento =] marami pa talaga tayong dapat malaman hinggil sa ating pagka-Pilipino =]

    maraming salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  4. Nakasakay ka ba sa auto o nasa loob ng silid? Ganda nga, at bago lang din sa aking pandinig! Happy LP!

    ReplyDelete
  5. mirage2g: double exposure ang shot na ito- pagka-click ko ng camera, i did not advance the film right away. ito ang kinalabasan =] saya! wagi! =]

    salamat sa pagbisita =]

    ReplyDelete
  6. This is a beautiful shot! Are there images super imposed?

    Happy Hunting ~ My Metal

    ReplyDelete
  7. Uy! Matagal na akong hindi nakakasilay kay Lady Med. UPM grad ka rin ba doc?

    ReplyDelete
  8. joe: yup, graduated from UP manila =]

    ReplyDelete
  9. Hey doc musta! Kaya pala pamilyar sa kin yun mukha mo sa pic e.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.