Thursday, November 6, 2008

Litratong Pinoy (LP): MAALAALA MO KAYA? (Will you remember?)



Ang Ehipto ang isa sa mga lugar na nais kong mapuntahan bago lubugan ng araw ang aking buhay. Ang libu-libong taon ng kasaysayan, arkitektura, mga lihim, pighati, at tagumpay ng sibilisasyong ito ay epikong hinding hindi matatawaran. Kung makapagsasalita lamang ang mga templo, himlayan, istatuwa't rebulto sa kanyang mga disyerto, kay raming misteryo siguro nilang mapapabulaanan o mapapatotohanan...

Ang nasa itaas ay isang plaster cast ni Rameses II, isa sa mga pinakadakilang pinuno ng Ehipto. Nakuha ito mula sa British Museum noong 1890's at bahagi na ngayon ng permanenteng koleksyon ng The Charleston Museum sa South Carolina, USA- ang kauna-unahang museo sa America, itinatag noong 1773.

MAALAALA MO KAYA = WILL YOU REMEMBER Egypt is one of the top five places I'd like to step foot on before the sunset of my life. The thousands of years of history, architecture, secrets, misery, and triumphs of their civilization is an epic without compare. If only the temples, tombs, and statues in their deserts can speak, I'm sure they have tons of "truths" to belie or confirm...

Above is the plaster cast of Rameses II, one of Egypt's greatest leaders. It was acquired from the British Museum in the 1890's and has since been part of the permanent collection of The Charleston Museum in South Carolina, USA - America's first museum, established in 1773.

Charleston, South Carolina, January 2007, using my Canon A430 digicam.

21 comments:

  1. kakaiba talaga ang kasaysayan ng ehipto at ang sibilisasyon nito!

    uy, lumaki din ako sa funny comics...pati yung "ayos pocketcomics"! haha. :P

    ReplyDelete
  2. ahaha...ako rin...at sinusubaybayan ko si niknok! :P

    ReplyDelete
  3. Ayan naghanap tuloy ako kasi ang tanda ko sa Funny Komiks ay si Niknok at Planet op d Eyps lang :D

    Eto ang link:
    http://pilipinokomiks.blogspot.com/2008/02/pilipino-funny-komiks.html

    ReplyDelete
  4. maganda ngang mapuntahan ang Egypt para sa akin lalong lao na dahil sa arkitektura nito...

    ReplyDelete
  5. nice... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  6. Kami man ay nangangarap ding madating ang Ehipto dahil sobrang "rich" ng kanilang kasaysayan at kultura.

    Happy Huwebes sa iyo!

    ReplyDelete
  7. sana makarating din ako jan. :)

    ReplyDelete
  8. dati nagkaroon ng Egyptian exhibit sa Maynila noong elementary student pa ako. nakakamangha ngang makita ang gawa ng kanilang mga kamay noon unang panahon.


    Overflow
    Captured Moments

    ReplyDelete
  9. kasama din yan sa list of places to go to ko :)

    ibyang
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-maalaala-mo-kaya.html

    ReplyDelete
  10. NAIS kong makapunta sa egypt:)
    bukod sa lugar, interesado ako sa mga nakaraan nito:)

    http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-2-maalala-mo-kaya.html

    ReplyDelete
  11. salamat sa pagdayo! hayaan ninyo, balang araw e magsasagawa tayo ng isang ekspedisyon sa ehipto... baka may matuklasan pa tayong mga alaala nang nakaraan na ikatatanyag natin... ipon na! =]

    salamat sa samu't saring mga alaala!

    ReplyDelete
  12. ako rin, isa ang Ehipto sa gusto kong puntahang mga lugar. isipin mo, simula pa nung Bible era, nababanggit na ang Egypt. Ang yaman nya talaga sa historya.

    ReplyDelete
  13. they're soooo rich in history but they freak the hell out of me. blame it on hollywood!!!

    ReplyDelete
  14. Funny Komiks-reader din ako! Linggu-linggo ako bumibili at kahit ayaw ng nanay ko ay nakakahanap ako ng paraan para makabili ng kopya.
    Sama ako sa iyo sa Egypt, isa rin ito sa mga gusto kong mapuntahan paglaki ko *lol*

    ReplyDelete
  15. Naku Sir pareho tayo ng dream. Simula ng malaman ko ang tungkol sa pyramids and mummies (via world history classes), pinangarap ko na mapuntahan ang Egypt! Hindi pa rinito natutupad pero sana naman ay isang araw.....

    Happy LP sa iyo!

    ReplyDelete
  16. ...sarap ngang makapunta sa mga ganyang lugar...^_^


    ito akin

    happy lp

    ReplyDelete
  17. Wow! Nais ko rin pong makapunta sa Ehipto.

    Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

    ReplyDelete
  18. isa din yan sa pinapangarap kong marating

    ReplyDelete
  19. A great exhibit of the museum :)

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.