Hangga't maaari ay iniiwasan kong maglakbay nang gabi. Hindi dahil takot ako sa aksidente o sa multo. Hindi ko rin naman naging ugali ang matulog habang bumibiyahe (dahil madalas ay ako ang nagmamaneho hahahaha) Gusto ko yung nakikita ko yung daan. Gusto kong nilalasap ang kabuuan ng aking kapaligiran. Para sa akin, ang paglalakbay ay hindi lamang ang makarating ako sa aking paroroonan kundi ang maranasan din ang kulay, saya, kasalatan, kapayakan, karangyaan ng kalikasan, mga gusali, mga tao- dahil sa bilis ng takbo ng buhay ng isang manlalakbay.
KADILIMAN = DARKNESS Whenever I can, I don't travel at night. Not because I was afraid of accidents nor because I was afraid of ghosts- both of which prowl about dark roadways. I seldom sleep while traveling (usually because I'm my own designated driver hehehe) I just like watching the road. I want to savor the environment around me. For me, a journey's goal is not just to get to my destination but to experience the colors, the joy, the poverty, the simplicity, or the exuberance of nature, of buildings, of people- because the life of a journeyman is but fleeting.
somewhere along the North Luzon Expressway, 2006, using my Canon A430 digicam.
Ang husay mo naman managalog, mga words mo na hindi ko na naririnig o nagagamit tulad na kapayakan, karangyaan at kasalatan (KKK! :P)
ReplyDeleteat tama ka, mahirap magmaneho ng nakapikit (^0^)
Maligayang LP sa iyo!
boring naman pag magbyahe kang madilim ang paligid. pero pag malapit na pasko, ang ganda nung mga parol at lighs nung iba't ibang bayan at probinsyang madadaanan mo.
ReplyDeletethess: hahaha marami lang akong praktis managalog =]
ReplyDeletepurplesea: hmmm tama ka rin diyan, iba nga rin ang tanawin kapag kapaskuhan =] exciting din ang karimlan paminsan-minsan =]
salamat sa pagbisita!
drive safely! kelangan extra ingat pag gabi magmaneho.
ReplyDelete