Ang mga bahay sa itaas ang simbolo ng Gawad Kalinga, isang integrated community development program na naglalayong iangat ang antas ng mga mahihirap sa Pilipinas at maibalik ang kanilang angking dignidad at pagkatao- mga katangian ninakaw ng kahirapan. Nguni't higit sa pabahay, may programa rin sa kalusugan, edukasyon, kalikasan, pagkakakitaan, at kapayapaan. Sa kasalukuyan, may humigit kumulang nang 1,500 pamayanan ang Gawad Kalinga sa buong Pilipinas, kabilang ang ilang pamayanan sa Papua New Guinea at Indonesia.
Sa mata ng marami, ang konsepto ng Gawad Kalinga ay bago sapagka't napagbubuklod nito ang iba't ibang volunteer mula sa larangan ng edukasyon, negosyo, mahihirap, at mayayaman. Bago nga kaya ito? Marahil hindi dahil kung tutuusin, isa syang malaking gawaing tila bayanihan, ang maraming mamamayan nagtutulungan, hindi lamang upang mailipat ang isang bahay nguni't para mapaunlad at itaas ang antas ng maralitang Pilipino- gawaing hindi na nga bago sa mga Pinoy.
Ang mga iba't iba kong kwento tungkol sa Gawad Kalinga ay matatagpuan dito.
BAGO NGA KAYA? = IS IT REALLY NEW? The homes above are the symbols for Gawad Kalinga, an integrated area development program that aims to restore the dignity and humanity- characteristics stolen from them by poverty. More than homes, Gawad Kalinga builds communities with health, education, environmental, even peace programs. Currently, there are about 1,500 Gawad Kalinga communities all over the Philippines as well as in other countries like Papua New Guinea and Indonesia.
In the eyes of many, the concept of Gawad Kalinga is a novel one in the sense that it gives an opportunity for various sectors- students, professionals, executives, the rich, the poor- to come together and be volunteers for the least among us. But is it really new? In a sense, it isn't because for the longest time, Filipinos have imbibed and lived out that spirit of Bayanihan or cooperation. This time though, we are not merely lifting a hut and transferring it from one site to another; rather, we are uplifting lives and transforming them to become the best Filipinos they can be.
My other tales and reflections about being a volunteer for Gawad Kalinga can be found here.)
a Gawad Kalinga village in Towerville, San Jose Del Monte, Bulacan, 2006, using my Woca 120G toy camera.
Uy, malapit lang ito sa amin ah? 'Di ganoon kalapit, pero a jeep ride away. =) Sa ngayon ay nasa CLP ako ng Singles for Christ, pangarap kong makatulong rin sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Gawad Kalinga.
ReplyDeleteAng aking LP ay naka-post dito. Happy LP sa iyo, kapatid!
wow! maligayang bati sa 'yo! hinihintay ka na ng mga kapatid sa GK =] kahit sino, may maiaambag. bayani ka kapatid! God bless =]
ReplyDeleteAng ganda naman ng mga post mo. 'tila nakakabighani.
ReplyDeleteWow! Mukhang nag-eenjoy siya sa bago niyang laruan!
Happy LP! Heto ang entry ko. :D
saan sa towerville ito bro? ang alam ko kasi 5 o 7 ang GK doon. at yung Aguinaldo Village ang napuntahan ko nung 2003 kasi friends ko pa yung SFC n'gary nun.
ReplyDeleteeto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
wow, saludo po ako sa yo!
ReplyDeletehappy lp ... dito po ang sa akin
jason earll: medyo napapabayaan ko na nga yung paglo-LOMO ko e... naghahanap na ng mga expired film na kakainin sina woca at holga =]
ReplyDeleteagent 112778: maraming ngang GK dun kapatid. sa USTMAAA village ito kinunan
inyang: salamat, salamat! hanggang sa muli =]
dalawang beses na akong nagboluntaryo sa Gawad. Ibang klase ang pakiramdam pala na nakagawa ka ng bagay na mas importante sa iba. Hinihintay ko na ngayon ang susunod na sked ng Gwad Kalinga dito sa amin.
ReplyDeleteSaludo po ako sa inyong magandang mithiin!
ReplyDeleteMaligayang LP :)
me: ang saya-saya, no! =] sa uulitin =] ako naman 1 1/2 years nagtrabaho nang fulltime for GK under its health program called Gawad Kalusugan =] masaya, makabuluhan, at nakaka-miss!
ReplyDeletethess: salamat, salamat! one does what one can =]