Thursday, October 15, 2009

Blog Action Day 2009: Climate Change / Litratong Pinoy: MAAGAP (Timely)



Photobucket

Bagaman maraming haka-haka sa dahilan ng kanilang pagkawala sa ibabaw ng mundo, sa dulo ng lahat ay ayaw kong danasin ng sangkatauhan ang kapalaran ng mga dinosaur. Sa bilis ng pagkawasak ng ating kalikasan sa harap ng ating bulagsak na pamumuhay, tayong mga tao rin ang lumalason sa ating pagkukunan ng pagkain, maiinom, at mapagkakakitaan. Ang kakaibang panahon at klima ay nagbabadya ng hindi magandang pangitain para sa ating kinabukasan. Ang panahon ng maagap na pagkilos ay ngayon na.

May magagawa pa tayo upang pangalagaan ang ating mundo! Narito ang ilang mungkahi:

1. Sumakay ng bus o LRT/MRT imbis na gumamit ng sariling sasakyan.
2. Kung mahangin at maaraw rin lang naman, isampay na agad ang mga nilabhan kaysa gamitin ang spinner o dryer ng washing machine.
3. Kapag hindi na ginagamit ang computer o anumang appliance, patayin na ito nang tuluyan.

Ang iba pang maaaring gawin ay makikita sa listahan ng Time Magazine na The Global Warming Survival Guide.

Sabi nga ng Simabahang Lingkod ng Bayan- Manalangin, Makialam, Manindigan- para sa bayan at sa sangkatauhan.

MAAGAP = TIMELY

There are many theories about how and why they departed from the earth; but one thing is for sure: I do not want humanity to suffer the fate of the dinosaurs. Sadly, the rate of environmental degradation reflects our utter lack of respect for our food, water, and livelihood resources. The erratic weather patterns and climate changes are red flags already that something is not quite right. The time for decisive action is now.

It's not yet too late. We can still do something to help fend off climate change, even in our own small ways. Here's how:

1. Ride the bus or any other mass transport instead of bringing your own vehicle.
2. Whenever it is windy and/or sunny outside, dry clothes on the clotheslines instead of using you washing machine's spinner or dryer.
3. Shutdown your computer or any other appliance and pull the plug when they are no longer in use.

More ways to be a hero for the environment can be found in TIME Magazine's The Global Warming Survival Guide.

As the mantra of the Catholic Church organization's Sabi nga ng Simabahang Lingkod ng Bayan goes: Pray, Participate, Make a Stand- for the nation and the planet.

American Museum of Natural History, New York City, May 2008, using a digicam.

5 comments:

  1. Isang eye-opener ang iyong post ngayong linggo - tunay na maagap! Nawa'y lahat tayo ay maging bahagi ng pagsagip sa ating kalikasan bago mahuli ang lahat.

    ReplyDelete
  2. ang pananalasa ng dalawang bagyong Ondoy at Pepeng ang isa sa mga indikasyon ng pag-iiba ng klima ng mundo. Siguro naman, mas maraming tao na ang mas mag-iingat para mapabuti ang sitwasyon. maligayang LP!

    ReplyDelete
  3. Nice photo for the theme...Thanks for the info about the BLOG ACTION DAY. Will check it out and hopefully i can blog abit about climate change today.

    My LP is now up! Happy LP!

    ReplyDelete
  4. Bukod sa pangangalaga sa mundo nakatitipid pa tayo hindi ba?
    Magaling na lahok.

    ReplyDelete
  5. Napakahusay na mga suhestiyon. :)

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.