Thursday, October 1, 2009

Litratong Pinoy: LINIS (Clean)



Mistulang mga ilog pa rin ang mga kalyeng malalapit sa aming bahay dito sa Taguig City makalipas ang apat na araw mula nang maranasan ang bagyong Ondoy. Ang mga bahay at sasakyan ay pinasok ng magkahalong tubig at putik. Matrabahong paglilinis ang kinakaharap ng mga tagarito; salamat pa rin dahil mayroon pa silang mga bahay at kotse na lilinisin.

Nawa ang bagyong ito ay magsilbi ring paraan upang magkaroon ng pambansang paglilinis ng sarili, pagwaksi sa mga luho at di makataong paggamit ng mga kakarampto na rekurso mula sa kalikasan, at pagdagdag sa pangmatagalang pag-aalaga sa bawat isa.

TUBIG-BAHA, HINDI MO KAYANG LUNURIN ANG AMING PAGKATAO! MANANAIG TAYO, PILIPINAS =]

LINIS = CLEAN The streets near our home look more like rivers than roads. Flooding persists even though tropical storm Ondoy has left the country some four days ago. Knee-high muddy waters have insinuated themselves into the homes and vehicles of those living in this area; we are still thankful though that they have homes and cars to clean.

May this storm be the catalyst through which we will undergo a process of "national cleansing," to purge ourselves of the unnecessary lifestyle of excesses, of total disregard for our limited natural resources. May this also instill in all of us an enduring sense that we are each others' keepers.

FLOOD WATERS, YOU WILL NOT DROWN OUR SPIRIT! WE SHALL EMERGE VICTORIOUS, PHILIPPINES!







(I am currently volunteering in two organizations aiming to help some 10,000 individuals affected by tropical storm Ondoy. We need all the help we can get. Please click on the DONATE button above to share in this mission. $1 can buy at least a kilo of rice, $2 will a good quality mat so they don't need to sleep on the damp cold floor of the evacuation center. Any amount, when pooled together, will be of enormous help. Rest assured 100% of donated money will be spent for the flood victims. Regular updates with regard to how the money is being spent will be sent to donors. Let us be the conduits of God's loving kindness =])


village of Ususan, Taguig City, September 2009, using a digicam.

6 comments:

  1. grabe talaga ang ginawa ni Ondoy at sang-ayon ako sa iyo na sana maging paraan ito na matuto na tayong maglinis at dumisiplina sa ating mga sarili. Kaya ng Pinoy yan! maligayang LP!

    ReplyDelete
  2. Sobra akong nagpapasalamat at hindi kami apektado ng bagyong Ondoy, pero tama ang sinabi mo... hindi basta basta bibitaw ang mga Pinoy. Kaya nating bumangon sa krisis na ito.

    Ang aking lahok ay nakapost DITO. Happy Huwebes!

    ReplyDelete
  3. labis din ang aking pasasalamat sa Panginoon at di kami inabot ng baha. marami akong kilala na nasalanta rin at tinutulungan namin sa abot ng aming makakaya. ako at ang kaing mga kaibigan nag-organize din ng aming tulong at dadalhin namin ang mga ito sa Sabado.

    ReplyDelete
  4. tulong tulong padin tayo/ Godbless us Pilipinas!


    eto naman po ung akin :D

    LINIS :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat sa mga binitiwan mong salita. Talagang hindi magpapatalo ang Pinoy!

    Narito po ang aking lahok ngayong Hwebes.

    ReplyDelete
  6. coming visiting your homepage, reading some interesting post and dropping EC & Adgitize. if you have time, visit my page too www.iruha.com

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.