Thursday, October 8, 2009

PhotoHunt: TAMAD (Lazy)



Kapag nasa isang bakasyon, maaaring maging isang hilong talilong at ikutin ang lahat ng mga dapat bisitahing museo, parke, tindahan, atbp. O maaari rin namang magtulog lang maghapon sa hotel...

Sa isang seryosong banda-

Ang pagtawag sa isang tao (o aso!) bilang "tamad" ang isa sa mga pinakaayaw kong pagsasalarawan. Naniniwala ako na may mas malalim na paliwanag sa likod ng bawat sinasabing "katamaran"- pagod, takot, kamangmangan, malabong panuto- kaya ang inaasahang pagkilos ay hindi nakikita. Ang pagtawag sa isang tao (o aso!) bilang tamad ay paraan ng pag-ismid sa sitwasyon, pagkibit ng balikat, pagsuko na na wala nang magagawa- "e tamad sila." Kung mauungkat lamang natin ang tunay na dahilan sa kawalan o kabagalan ng pagkilos, matutuon natin ang ating lakas upang tugunan ang natatanging dahilan/mga dahilan upang mahikayat natin ang kanilang mas matamang pastisipasyon =]

TAMAD = LAZY When on vacation, you can act like Speedy Gonzalez and make a whirlwind tour of all museums, parks, shops, and convert everything to a must-see sight. Or you can just stay in your hotel room and spend an entire day in bed...

On a more serious note-

I resent anybody (including dogs) being labeled as lazy. I believe there is always a deeper reason why a person or animal does not act in the manner, speed, or timing s/he/it is expected to. Inaction may be because of fear, tiredness, poor instruction/direction. To label somebody as "lazy" is to take on a defeatist attitude, akin to saying "they're lazy and we can't do anything about it." If we shift our energies towards uncovering what lies beneath the seeming inaction, we can implement specific measures to increase active participation =]

Sonya's Garden, Tagaytay City, February 2007, using a digicam.

7 comments:

  1. kawawa nanam aso mo, mag tali sa bibig! pero may bib naman! :) Happy LP ka litratista!

    ReplyDelete
  2. I really have days when i feel like just lazing around. But i know it is not tamadism as what others would conclude right away. You have a mapagdamdamin views on TAMAD.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  3. Interesting take on the term "tamad" pero tama ka rin sa isang banda. Mas mabuti siguro kung we don't label anyone nalang di ba?

    Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/10/lptamad-lazy.html

    Magandang araw!

    ReplyDelete
  4. bakit kaya may tali siya sa bibig? Kakaiba rin ang punto mo sa tamad at sang-ayon naman ako doon:) napaisip tuloy ako.

    ReplyDelete
  5. hmmmmmmkei.

    sweetdreams doggy. ehehehehe
    galing ba siya sa interment ni Pres. cory? hahahaha. napagod ata siya hehe

    eto naman po ung akin :D

    TAMAD:)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    ReplyDelete
  6. this dog's a resident of Sonya's Garden. the muzzle i guess is to protect a) the dog itself from unnecessary self-nibbling or b) the humans from being nibbled hehe

    (salamat sa mga nagtiyagang basahin ang nakasulat na saloobin ko at binasa ang LAHAT ng mga katambal na detalye ng aking lahok upang makapag-iwan ng angkop na mga komento =])

    ReplyDelete
  7. i love your views, i agree

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)

    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.