Hindi talaga ako mahilig sa mga tsubibo at iba pang mga sinasakyan sa isang karnabal. Pero magmukmok sa aming tirahan sa unang Sabado namin sa Finland, minabuti ko na ring sumama sa mga kaklase namin sa isang maghapon sa Sarkanniemi, ang pangunahing amusement park sa Tampere.
Dito ko nakilala ang Tornado, isang kakaibang rollercoaster kung saan imbis na nakadikit sa riles ang aking paanan, ang riles ay nasa aking ulunan. Malayang nakakukuyakoy ang aking mga paa! Aaminin ko na- ako man ay naging eksayted nang makita ko ito! May isa pang ayos na rollercoaster- ang Trombi- kung saan nakadapa naman kaming sumakay, mala-Superman. Kaso wala kaming litrato. Pero may alaala naman ako nitong magtatagal habambuhay...
EKSAYTED! = EXCITED! I'm not really a fan of carnival rides. But rather than spend our first Saturday in Finland all by myself, I opted to join my classmates for a whole day of gallivanting in the premiere amusement park in Tampere, Sarkanniemi. Here I met the TORNADO, a different kind of rollercoaster where the rails are not under my feet but they are located overheard! I must admit, I, too, became excited when I saw this huge contraption, feet dangling and all! There was another fantastic rollercoaster- the Trombi- where we got to ride lying face down, hurtling through the tracks a la Superman. I didn't have any photos of that experience but I had memories to last me a lifetime...
Sarkanniemi Adventure Park, Tampere, Finland, August 2007, using my Canon A430 digicam.
Eksayted akong kuhanan yan ng picture pero di ako sasakay, hahaha. Happy LP!
ReplyDeleteGrabe hindi mo ako mapapasakay sa ganyan at wala akong balak lumunok ng isang kahon na anti hilo!
ReplyDeleteExciting nga ito, ano pakiramdam pagkatapos? (^0^)
ay ako rin, neber eber! hehe!
ReplyDeleteMahilig akong sumakay sa mga ganyan noon. Pero ewan ko ba't nang nagka-anak na ako, naging matatakutin na ako. Hehehe.
ReplyDeleteMaligayang araw! Ito ang sa akin:
http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/12/lp-ang-pagwawagi-at-eksayted-victory.html
Huwaw, nakaka-excite nga yan. Pag-iisipan ko muna bago sumakay, hehehe...
ReplyDeleteyikes! di ko kakayanin yan. yung sa enchanted kingdom lang ang na-try ko, feeling ko parusa na. hahaha.
ReplyDeletenakuuu..tinitingnan ko palang, nakakahilo na..
ReplyDeletemaligayang LP
ganda rin ang kuha.
bisita ka rin sa entry ko:)
monkeymonitor.blogspot.com
Ayyy... gusto ko yang masakyan!
ReplyDeleteAng aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
mirage2g: siguro naka 50 pics ako sa rollercoaster na 'to! masarap nga syang kunan =]
ReplyDeletethess: gusto ko pa sanang umulit kaso medyo nagbabadya yung ulan... sayang hindi ko sinubukan ang Tornado sa ulan!
spiCes: neber say neber!
joy: ang da bes e isama ang mga kiddies pag medyo malalaki na sila!
julie: basta huwag katagalan ang pag-iisip! sakay na!
moonlightmom: sa akin, ang parusa e yung lumang zyklon loop sa star city- hindi ako kasya, nagkanda-untog-untog ang tuhod ko sa kipot ng sakayan habang winawasiwas ako sa loop da loop!
tanchi: sa sobrang saya, malilimot mo ang hilo!
salamat sa pagdaan =] pasensya na sa mga nahilo hehe
takot dina ko sa tsubibo.. kaya ko pa roller coaster.. pero eto ayaw ko tlga.. silip ko nman sken Eksayted sa pasko
ReplyDeleteuyyy mukhang type ko 'to! mahilig ako sa rides...the scarier, the better.:D
ReplyDeleteUy ako rin, gusto kong sumakay sa mga ganyan! Kanda-malat ang boses ko sa kakatili *lol* Pampawala daw ng nerbyos e.
ReplyDelete..wow! ganda nang kuha! gusto ko din ma subukan maka sakay sa mga ganyang rides!...
ReplyDeletehappy lp...
sana makadaan kadin sa aking lahok.
hmm...ano kaya feeling noong parang superman na tsubibo? hindi kaya magsusuka diretso byuti ko niyan? hehehe! mas eksayted akong manguha ng litrato kesa sumakay ng tsubibo eh:)
ReplyDeleteDi ko talaga ma-share ang iyong excitement dahil super duwag ako sa ganyang mga gimik - octopus pa lang e hilo na ako...paano pa kaya kung "suspended animation" ang dating ng rides tulad nito? Pass talaga ako - mas exciting manood - hehehe!
ReplyDeleteshutterhappyjenn: goood luck sa kinaka-excited-an mo. yeeeheeee
ReplyDeletesweetytots: hehe kanya-kanyang trip lang nga talaga
luna miranda: apir! yakang-yakang mo yung Tornado!
sreisaat: korek! babaeng classmate ang kasama ko, mas malakas pa yata sigaw ko- bass nga lang ang timbre hahahaha
familia khuletz: singganda rin syang kuhanan at sakyan =]
marites: as in masaya, para talagang superman ang feeling ng nakadapang rollercoaster, kulang na lang kapa hehe
pinky: akala mo lang di mo kaya, pero pag andun na, sobrang saya!
ako medyo ok lang, mas ok ako sumakay ng roller coaster wag lang ferris wheel.... :)
ReplyDeletepasensya na at nahuli, pakisilip po ang aking lahok... :)
Di rin ako mahilig sa ganyang rides. First and last time kong sumakay sa roller coaster sa Enchanted Kingdom nung 1995. Nung magsisimula na, husto ko ng bumaba kaso di na pwede. Di na uulit pa.
ReplyDeleteexciting tignan, pero sorry di ako sasakay, isip pa lang parang magiging huling hininga ko na, di bale nalang, siguro kung nung bata bata pa ako maaring sakyan ko yan ^_^
ReplyDeletehttp://hipncoolmomma.com/?p=2160
Cool! Hindi pa ako nakasakay sa ganyang klaseng roller coaster.
ReplyDeleteMy kids will go wild with those rides!!
ReplyDeleteBut it'll take a million horses to get me onto any of those thrill rides for sure!! *lol*
lino: isa syang karanasan =] sana magkaganito na sa Pilipinas =]
ReplyDeleteem dy: 13 years ago na yun! baka nagbago na ang pakiwari mo sa mga rollercoaster =]
HNCmomma: it's all in the mind! go go go!
joe: attaboy! sakay ka pag may na-encounter ka ha. hintayin namin pics mo =]
elaine: you can do it! it's not as scary as you think =] be with the kids!