Ito ang libingan sa bakuran ng Kapilya ng San Pablo sa parokya ng Sangtatlo sa lunsod ng Nuweba York. May dalawang daang taon na ang tanda ng libingang ito kung saan nakahimlay ang ilang kilalang tao sa lipunang Amerikano.
Nagkaroon ng panibagong kahulugan ang libingang mula noong Setyembre 11, 2001. Dahil sa mga puno sa palibot ng bakurang ito, hindi nagkaroon ng matinding pinsala ang Kapilya ng San Pablo mula sa pagguho ng World Trade Center na katapat na katapat nito, di tulad ng mga nakapaligid na mga gusali sa kanya. Sa loob ng walong buwan, naging lunan din ang simbahan para sa mga bibigay kalinga para sa mga kawan ng mga pamatay-sunog, pulis, at mga volunteer na tumulong maghukay para sa mga labi ng mga natabunan sa pagbagsak ng mga tore ng WTC.
NAKAKAKILABOT - HAIR-RAISING This is the churchyard of St. Paul's Chapel in the parish of Trinity, New York City. Many prominent Americans are buried in this 200-plus year-old site.
This place gained more prominence since September 11, 2001. Because of the trees surrounding this churchyard, St. Paul's did not incur any substantial damage from the debris of the fall of the World Trade Center twin towers (which was just across it), unlike the skyscrapers beside the former. For about eight months, it became home to firefighters, police personnel, and other volunteers who helped sift through the ruble looking for WTC survivors.
St. Paul's Chapel, Church St, New York City, December 2006, using a digicamera.
Aba, tignan mo nga naman, ang galing nito ha,
ReplyDeleteNakakakilabot nga talaga dito lalo na kapag gabi!
ReplyDeleteEto naman ang aking "nakakakilabot" na entry ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-nakakakilabot-spooky.html
Nakakakilabot nga ang mga sementeryo. Pero amazing din how it survived 9/11 to think na katapat niya lang ito no?
ReplyDeleteHappy LP!
nakakatakot ang dating niya lalo pa't kalbo ang mga puno. galing ng kuha mo.
ReplyDeletewhat makes it creepy...those trees. hehehe
ReplyDeleteeto naman po ung akin :D
Nakakakilabot daw
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
nakapaglakad-lakad ako sa sementeryong ito n'ong binisita ko ang ground zero. ang ganda ng litrato mo...may nakita pala akong tomb ng aso na do'n nilibing, namatay no'ng 1800's.:P
ReplyDeletewow nice story po...
ReplyDeleteang galing naman...
ang ganda ng kuha mo po...
siguro mas nakakatakot dito pag gabi noh....