Thursday, July 9, 2009

Litratong Pinoy: BASA (Wet)



Habang nasa Sarkanniemi kami, isang theme park sa lunsod ng Tampere, bumuhos ang panaka-nakang malakas na ulang dala ng nagbabagong panahon- tagsibol papuntang tag-init. Dahil inaasahan namin ang sinag ng araw sa maghapon, hindi ako handa sa naturang pangyayari. Buti na lamang at mayroong tindang mga plastic poncho sa loob ng amusement park.

At sapagka't pakiramdam ko'y mistula akong dolphin dahil sa aking "kasuotan," minabuti kong tumayo sa tapat ng dolphinarium kung saan nagpapalabas "kami" ng mga tricks na ikinatutuwa ng iba at nakapagpapabagabag naman sa ilan.

BASA = WET While we were in the theme park Sarkanniemi, occasional heavy drizzle fell as spring shifted to summer. We were expecting the sun to shine throughout the day so I wasn't ready with my rain gear; good thing the souvenir shop inside the park sold this poncho-style raincoat.

Feeling some sort of affinity to dolphins because of my attire, I posed in front of the dolphinarium where "we" regaled "our" audience with a series of tricks that entertained many but bothered others.



Tampere, Finland, August 2007 using a digicam.

7 comments:

  1. basang-basa sa ulan talaga.:P buti may baon na kapote.

    ReplyDelete
  2. Kapote? Bata pa ata ako ng huling magsuot ako
    niyan. Happy LP!

    ReplyDelete
  3. aba! bakit andyan ka? dapat kasali ka sa dolphin tango:) maligayang LP!

    ReplyDelete
  4. i love dolphins!!!!!!

    ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-basa-wet/

    ReplyDelete
  5. hanep sa posing :)

    eto naman po ung akin :D

    BASA

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    ReplyDelete
  6. oi love ko ang dolphins! :) one of my fave mammals talaga! and they're smart too!

    LP entry: http://www.zdarkroom.info/2009/07/lp-basa-wet/

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.