Thursday, January 29, 2009

Litratong Pinoy: LILA (Violet)



Ito na ang pinakamalapit kong karanasan sa pagiging milyonaryo. Ang isang dolyar ng panahong ito ay katumbas ng 8,500 rupiah. Kaya't nung ipinapalit ko ang aking baong $200 dollars, nakahawak ako ng 1.7 milyong rupiah! Mura ang pagkain at bilihin sa Indonesia kung kaya nama'y malayu-layo rin ang inabot ng aking milyones.

Pakikipagsapalaran lang ang magpapalit ng pera. Madalas ay barat ang mga hotel. Ang mga nasa loob-loobang nagpapalit ng pera naman ay nakakatakot puntahan, bagaman mas galante sila. Nakabisita kami ng di bababa sa limang palitan ng pera bago kami nagpasya na tangkilikin ang isang tinadahan na pinakamataas ang palit kung ihahambing sa aming ibang napuntahan. Masaya ang lahat.

Hanggang sa sumilip kami sa katabing tindahan na ang palitan ay 9,100 rupiah kada dolyar.

Para sa ang aking ibang kuwentong Indones / For my other Indonesian tales:
Sidetrip to Indonesia

LILA = VIOLET This is the closest I have ever been to being a millionaire. At this time that we were in Indonesia, the exchange rate was 8,500 rupiah to a dollar. So when I had my $200 pocket money exchanged, I had 1.7 million rupiah on hand! The food and other goods did not cost too much so much; my millions went a long way.

It was an adventure to have our money changed to the local currency. The hotel's rate was the worst. It was too scary to venture into the innermost recesses of streets which were said to give the best rates. We had to visit at least five money changers before we settled on exchanging our dollars with a store that gave the best value among the others we visited. Everybody was glad our perseverance paid off.

Until we peeked into the shop next door where the exhange rate was 9,100 rupiah to a dollar.

Sari Pan Pacific Hotel, Jakarta, 2007, using a digicam.

15 comments:

  1. hahaha!! ang saya! naging milyonaryo ka!!! :)

    ReplyDelete
  2. parehong pera ang lahok natin!
    eto po ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/01/litratong-pinoy-lila-violet.html

    ReplyDelete
  3. nice composition ian... i like it... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  4. Gastusin na natin yan! Hehehe...

    Ang aking LP ay naka-post dito. Magandang araw ng Huwebes!

    ReplyDelete
  5. Ano ang napamili mo sa milyon-milyon mong rupiah? Sa Vietnam ganun din kasi ang $1 ay 16,000 dong ang exchange. Multi-millionaire ka kung dun ka sa Vietnam pumunta.
    Syangapala, saan ko ipapadala ang Khmer stamps? FDC ng Preah Vihear temple (bagong hirang na UNESCO Heritage Site sa Cambodia) ang ipapadala ko sa iyo :)

    ReplyDelete
  6. wow, ang daming zero! hehe.

    flattered si miss iggy sa offer mong ipasyal siya! hehe.

    ReplyDelete
  7. violet pala ang kulay ng 10,000 rupiah. kalaking denomination naman ng pera sa indonesia.

    ReplyDelete
  8. adinille: for once in my life (for now!) nadama ko maging milyonaryo hehe

    mauie: great minds think alike =]

    lino: salamat! malaking bagay ito dahil mula ang pagkilala kay The Lino hehe

    jenn: ubos na ang pera... maliban sa ilang piraso ng souvenir na itinabi ko =]

    sreisaat: OMG thanks SO much! mahal ko ang mga FDC! mahal na mahal hahahaha i-email kita para sa aking address!

    faery: seriously, pag nagawi kayo sa kamaynilaan, do send a shout out my way please!

    moonlight-mom: technically, purple raw ang bill na ito. colorblind naman ako so ginamit ko na rin ang larawan na ito bagaman hindi siya ganoon ka-lila hehe

    ReplyDelete
  9. Sir, pautang naman kahit isang milyonlang *lol*

    nice composition.

    ReplyDelete
  10. milyonaryo na rin kayo that time..:D

    sa ngayon, 200 USD is equal to 2.286M Indo money na :D

    oo nga ano, punta ako jan para feeling millionaire din ako :D

    ReplyDelete
  11. Di ba, pag napalitan na saka ka makakakita ng mas hokey...lol. kulay ube din pala ang kayamanan sa indonesia. (Adres mo po...) Happy LP!

    ReplyDelete
  12. milyon milyon nga ang usapan sa Indonesia

    http://hipncoolmomma.com/2009/01/29/lila-violet-35th-litratong-pinoy/

    ReplyDelete
  13. hehehehe! kakatuwa diba?? sana matuloy ako makapunta ng jakarta this year :)

    ReplyDelete
  14. came to Indonesia again, taking picture of my various cultures, arts, pano, caves etc.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.