Pangarap ko na makabuo ng isang libro ng mga larawan at kwento sa likod ng mga pananda sa pagitan ng mga bayan o lalawigan. Ang higanteng isda na ito sa Gumaca ay isa sa mga pinakapaborito ko; ang kanyang kanugnug na Look ng Lamon ang lugar kung saan ko gustong isabog ang abo ng aking mga labi. Para sa akin, kumpleto ang larawan na ito: ang mga gawa ng tao na kinagigiliwan ng isang manlalakbay na tulad ko- ang aking lumang sasakyan at isang interesanteng tanawin ay nalulukuban ng hiwaga ng kalikasan- langit... karagatan...
Ang buong kwento ng paglalakbay na ito ay matatagpuan dito. Pakisadya kung may labis kayong panahon =]
ASUL = BLUE One of my ultimate dreams is to publish a book of photographs of the boundary markers between Philippine towns and cities and provinces plus their accompanying tales. This giant fish is one of my favorites. The waters of Lamon Bay adjacent to it shall be the final resting place of my ashes. For me, this is a perfectly framed snapshot of my life as a traveler: my trusty decade-old car, a point of cultural interest, under a canopy of blue skies, cradled by the sea...
More details of this roadtrip can be found here. Kindly drop by if you have the time.
Along the Maharlika Highway, Gumaca, Quezon border, 2007, using my Canon A430 digicam.
Uyy, magandang idea yan, Ian! (Nagra-rhyme ba? *lol*) Sa tingin ko ay may kwento sa likod ng mga palatandaang iyan. Nadaanan ko rin yan nuong sa Bicol pa ako nagta-trabaho. Baka gusto mo ng contributor para sa Visayas area :)
ReplyDeletemagandang ngang simulan ang iyong idea...ako man hilig kong kunan ang mga palatandaang tulad nyan, kahit nga yung mga nakasulat lang masaya na ako. dahil ang ibig sabihin nito at nakarating ako sa lugar na iyon.
ReplyDeleteReflexes
Living In Australia
Hindi pa ako nakakaabot dyan... Ang ganda ng karagatan.
ReplyDeleteAng aking bunsong kapatid ay lumayag na sa kanyang OJT, kaya ako na lang ang iikot para sa kanya. Ang aking LP ay nakapost dito at ang kanyang lahok dito. Hapi Huwebes!
nakakaaliw nga naman! kahit sino'y mapapatigil at mapapamangha sa higanteng isdang ito. :)
ReplyDeletemagandang idea yan. ipaalam mo sa amin kapag natapos mo na. ang pananda sa aking bayang pinanggalingan ay... tandang (o rooster)! alam mo na siguro kung saan yun...
ReplyDeleteMagandang lugar nga para sa naisip mong pagsabuyan ng iyong abo (buti ka pa alam mo na kung saan mo agagwin, ako namimili pa)
ReplyDeletebtw re: bux.to...nde ko masyadong ginagamit kasi nga mabagal ang bayaran. neobux ang regular ko kasi instant payment, nai try mo na ba?
ipaalam mo sa amin pag nalathala na ang libro mo ha...ganda ng view jan ah....mukhang tahimik! Happy LP!
ReplyDeletesalamat sa inyong suporta sa aking pangarap! babalitaan ko kayo kung sakaling masakatuparan ko ito =]
ReplyDeletesreisaat: oo ba! ikaw ang tour guide ko sa kabisayaan =]
roselle: ang kagandahan ay nasa tumitingin =]
jenn: tunay na tunay, maganda talaga yung karagatan doon. pagpalain nawa ang OJT ng kapatid mo!
toni: sarap siguro nitong i-ulam hehe
iska: kung san pedro, laguna ang tinutukoy mo, taga-diyan ako noon! 25 years kami tumira sa laguna!
thess: salamat sa tip ng neobux =] sana nga ay makakubra ako bago pa ko maging abo haha
mirage: tahimik ang lugar, pangkalahatan. kaso national highway rin sya kaya marami ring dumaraan na mga sasakyan...
ang ganda naman ng kuha mong ito. oo nga noh, dapat nagpapakuha ako sa mga palatandaan!! di ko ito naiisip minsan. dapat lagi kong tandaan ito sa susunod kong paglalakbay!
ReplyDeletehappy weekend!
off topic: Ian, thanks for using my neobux button, credited sya.
ReplyDeleteunlike bux.to, u have to click each ad's red button naman sa neobux. u can use either alertpay or paypal, buzz ka lang pag may Qs ka ha
have a good weekend to you!
hindi dapat pinalalampas ang mga landmark na ganyan pag oras na ng kodakan! hehe :P
ReplyDelete