Thursday, January 22, 2009

Litratong Pinoy: KAHEL (Orange)



Agaw-pansin ang matingkad na kulay ng kahon na ito sa tabi ng isang himpilan ng bus, malapit sa binisita naming tanggapan ng Pulahang Krus ng Finland. Ano nga ba ito? Dito inihuhulog ang mga sulat para maihatid ng mga kartero ng korporasyon ng Posti. Naaalala nyo pa ba iyon? Ang mga liham na dinidikitan ng selyo? =]

Ang pangongolekta ng gamit at bagong selyo ang isa pa rin sa mga pinakapaborito kong pinagkakaabalahan. Kapag may pagkakataon akong maglakbay sa ibang bansa, ang kanilang mga post office, bilihan ng selyo, o museo na nagpapakita ng kasaysayan ng kanilang mga selyo ang una kong pinupuntahan. Sinisiguro ko na bawat bansa o/at siyudad na mabisita ko ay makapag-uwi ako ng kahit isa man lamang na alaalang selyo. Maging mga kaibigan o kamag-anak na lumalabas ng bansa ay hinihiritan kong uwian ako ng kakaibang selyo ng bansang panggagalingan nila.

Pwede rin ang magnet hehe

KAHEL = ORANGE This brightly colored box caught my attention as I was waiting for the bus to take us back to the city after visiting the office of the Finnish Red Cross. What do you think this is? It's actually a mailbox where you drop letters that you wish to send via the carriers of the Finnish postal corporation Posti. Do you still remember mailing letters that need stamps?

Stamp collection or philately is one of my life's passions. Whenever I visit another city or a country, I make it a point to visit their post office, a place I can purchase stamps, or their postal museum. I see to it that I have at least one stamp to represent that city or country in my collection. I also badger friends and relatives to bring home or send over stamps for my collection and nothing else.

But magnets will likewise do hehe

near the city of Tampere, Finland, 2007, using a digicam.

13 comments:

  1. meron ka na bang dutch stamps? sabi lang..samahan ko din ng magnet.

    happy lp!

    ps.
    kahel ba yung kulay ng postbox? kulay mangga eh :D

    ReplyDelete
  2. Kahel naman titaThess! Gusto mo ba ng selyo? Sige bigay adres :D

    Happy LP!

    ReplyDelete
  3. Dito sa atin, kulay silver (na nangangalawang naman) ang mga mail boxes :)

    ReplyDelete
  4. parang mas dilaw siya kesa orange...pero interesting na mailbox, ha.

    ako naman, aktibo pa rin sa pagsulat, lalo na postcards. kasali ako sa postcrossing.com at nakikipagpalit ng postcard sa buong mundo! :)

    try mo!

    ReplyDelete
  5. nice mailbox... happy huwebes...:)

    ReplyDelete
  6. dito ay uso pa rin ang pagliham. pula naman ang sa AU. gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia

    ReplyDelete
  7. sosy naman ng mail box nila. i used to collect stamps, too. kaka-adik sya. pnamana ko na ang aking collection sa aking inaanak na 12 years old.:D

    ReplyDelete
  8. Sana merong ganyan dito sa Phnom Penh para hindi na ko pabalik-balik sa post office! Tulad ni Fortuitous Faery, kasali din ako sa Postcrossing.com -- siguro naman sasang-ayon ka rin kung sasabihin ko na anggaganda ng mga stamps na galing sa Finland? Meron akong natanggap na postcard na gamit ay 2D hologram na stamp!

    P.S. May Cambodian stamps ka na?
    Eto pala ang isang blog ko na dedicated sa mga postcards na natanggap ko

    ReplyDelete
  9. Nakalimutan ko na kung kailan ako huli naghulog ng sulat....

    Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!

    ReplyDelete
  10. ako din gusto ko ng stamps kaya nakikiusap ako sa mga friends ko abroad na magbigay ng postcards kaso nauso na yung rubber stamps kaya kahit may postcard na binigay di pwedeng kolektahin kasi naka tatak sa postcard eh

    eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  11. marami pa kaya ang nagsusulat ng liham na for mailing? mabilis na lang kasi mag-email ngayon. :)

    ReplyDelete
  12. Paumanhin sa mga hindi ko pa nabibisita ang mga entry, medyo mabili ang mga paninda hehe

    colorblind nga pala ako so baka dun nagmumula ang pagkalito ko sa mga kulay =0

    sige, susubukan ko ang mga nirekomenda ninyong pamamaraan ng pakikipagpalitan ng selyo =]

    salamat, hanggang sa muli!

    ReplyDelete
  13. Eto email ko: dog_lapss@yahoo.com ;-) Send n lang po.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.