Thursday, January 1, 2009

Litratong Pinoy: FREESTYLE




Hindi kumpleto ang pagpunta sa Sagada, Mountain Province kung hindi mo nasisilayan kanyang mga kuweba at makapagtampisaw sa batis na dumadaloy sa loob ng mga ito. Ang mga naturang kuweba ay talagang kailangang dayuhin at sadyain; kailangang baybayin ang mga matatarik at madulas na batuhan upang makalusong sa mga naturang hiwaga ng kalikasan. Ang nasa larawan sa itaas ay isang inukit na pinadaling hagdan pababa sa mga kuweba; gayunpaman, ito ay may kadulasan pa rin at nakakakaba. Subali't sobrang sulit naman kapag narating mo ang mga kuweba sa dulo nito.

Sa bagong taon, nawa'y matuto tayong lahat na palakasin pa ang ating mga loob na suungin ang mga hamon ng buhay. Nawa'y huwag tayong patalo sa mga pansamantalang hirap upang malasap ang mas tumatagal na ligaya ng mga matutupad na pangarap. Nawa'y timplahan natin ng pasensya ang sipag, ng pag-asa ang sigasig, ng talino ang kapusukan.

Isang pinagpalang bagong taon sa ating lahat!

--==+==--

A trip to Sagada would not be complete without visiting the caves and waterways flowing through them. Getting to the caves though can be hardwork, as you need to slither through steep, rocky nook and crannies. Some areas have steps- like the ones above- have been hewn out of the rocks to make ambling down easier; nonetheless, the walk up or down can still be a slippery experience. But once you get to the caves below and marvel at nature's handiwork, it makes everything worthwhile.

In the new year, may we all be more courageous in facing life's challenges. May we never let temporary difficulties get in the way of us reaching for our dreams. May we temper hardwork with patience, eagerness with hope, the sense of adventure with wisdom.

A blessed new year to all of us!


Sagada, Mountain Province, 2006, using my Canon A430 digicam.

8 comments:

  1. Happy new year. Yan ang pumipigil sa kin papunta sa Sagada, hard work. He he.

    ReplyDelete
  2. ganda...:)
    happy new year po.
    goodluck sa 2009...

    visit my entry too:
    asouthernshutter.com

    ReplyDelete
  3. nice angle here ian, nice shot... have a happy new year....

    ReplyDelete
  4. never been to sagada :( sana makapunta na ako :)

    maligayang at mapagpalang bagong taon sa inyo at sa inyong minamahal :D
    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  5. hindi pa ako nakakarating sa sagada... sana ay manatiling maganda hanggang makapunta ako roon :)

    Manigong bagong taon!

    ReplyDelete
  6. nakapunta ako ng Sagada noon pero hindi kami nakapasok ng kuweba kaya sobrang hinayang ako sa nangyari. Gusto kong bumalik para naman, makita ko ang kuweba:) maligayang LP at bagong taon sa iyo.

    ReplyDelete
  7. believe it or not, hindi pa ako nakakapuntang sagada. i've always meant to go, pero laging may dahilan. hehe. but soon enough. hehe.

    happy new year ian!

    ReplyDelete
  8. Doc Em: kaya mo yun!

    Tanchi: ikaw ang may magagaling na litrato!

    Lino: isa ka pa =] idol =]

    Jay, Betchay, at Iris: punta na kayo bago pa mapudpud ng mga turista ang ganda ng Sagada...

    Marites: ayan, may babalikan ka pa! sama ka na kina Jay, Betchay, at Iris =]

    Sagada LP Photo-Op, anyone? =]

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.