Thursday, February 5, 2009

Litratong Pinoy: TSOKOLATE (Chocolate)



Ito ang dating naging usap-usapang biskwit na FILIPINOS, produkto ng Espanya, natagpuan naming laganap sa mga pamilihan sa Finland nung nag-aral ako roon nang pansamantala noong 2007. Hugis-salbabida ang biskwit na malaki-laki lamang nang konti sa limang pisong barya. Dalawang uri ang nakita kong ibinebenta biskwit- isa ay ang tradisyunal na tsokolate at ang isa nama'y iyong puting tsokolate.

May 15 yatang piraso sa bawat pakete at nagkakahalaga ito ng hindi lalagpas sa dalawang euro noong panahong iyon. Paborito ko itong agahan dahil mura, may kasarapan rin, at maaari kong maging almusal para sa 2-3 araw. Maliit lang naman ang aming arawang baon noon. Mainam sa mga nagtitipid. Di ko na alintana ang "kakaibang" tatak nito.

TSOKOLATE = CHOCOLATE This is the then-infamous biscuits FILIPINOS, a product of Spain, which was readily available in various supermarkets in Finland, during the time of my brief study there in 2007. Shaped like a lifesaver, these biscuits are little bigger than the 5-piso coin in diameter. I saw two flavors available- the traditional chocolate flavor and another with white chocolate coating.

Each pack has about 15 pieces, with each pack costing not more than two euros, enough to feed me for about 2-3 days. These biscuits were the breakfast of champions- especially us whose per diem was just enough, its infamous name notwithstanding.

in Hotel Iltatahti, Tampere, Finland, August 2006, using a digicam.

16 comments:

  1. kala ko pinoy food :P

    ReplyDelete
  2. bakit kaya Filipinos ang tawag sa biskwit na iyan...? nakakaintriga!

    ReplyDelete
  3. I'm curious to taste that Choco... masarap nga kaya?

    ReplyDelete
  4. Bakit nga kaya Filipinos ang tawag???

    Ang aking tsokolate ay naka-post dito, at ang sa aking kapatid naman ay nandito. Happy Huwebes, ka-LP!

    ReplyDelete
  5. ou nga bakit filipinos? hheehehe
    anu naman kaya ibig ipahiwatig ng prodktong iyan

    ay ewan
    ang impt...masarap yan. gaya ng sabi mo ehehehe

    eto po ang aking lahok:
    click!

    HAPPY LP!!

    ReplyDelete
  6. dapat lang masarap sya... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  7. Filipinos siguro ang tawag sa biscuit na 'to dahil brown sya.:D

    ReplyDelete
  8. Di ko alam meron palang tsokolate na Filipinos ang brand...

    Syangapala... nakuha mo ang reply ko sa message mo?? Ready na ang FDC ko :)

    ReplyDelete
  9. Harry Potter and the Deathly Hallows ba yung binabasa mo nung mga panahong din yan? Magandang Hwebes!

    ReplyDelete
  10. di ko alam kung positive or negative ang dating ng pagkakapangalan sa filipino :)

    ReplyDelete
  11. hmm bakit kaya filipinos ang name nyan, kasing sweet ba natin ang chocolate na yan?

    eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  12. akala ko dedicated sa mga pinoy yan

    http://hipncoolmomma.com/2009/02/05/tsokolate-chocolate-36th-litratong-pinoy/

    ReplyDelete
  13. siguro masarap naman dahil di nila gagawin kung hindi...ano lang kaya ang background sa pagkakapangalan nya na Filipinos!?

    ReplyDelete
  14. cguro kaya Filipinos ang natawag dyan dahil di ba ang Philippines ay hango sa pangalan ng hari rin naman ng espanya noon? Baka gusto rin nila sanang ipangalan sa kanilang hari yung tsokolate.

    ReplyDelete
  15. nakaka-curious tuloy kung bakit ganun ang naisip nilang pangalan. :P

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.