Thursday, February 12, 2009

Litratong Pinoy: PUSO (Heart)



Ilang minuto makalipas ang hatinggabi, naglalakad kami sa Kungsgatan sa kalagitnaan ng Stockholm. Tahimik ang mga lansangan, maliban sa panaka-nakang sasakyan. Wala halos naglalakad maliban sa amin- tatlong Pinoy at isang Tanzanian. Sa palibot ng aming hotel, naroon pala ang malaking bahagdan ng mga taga-Stockholm- nasa mga disco at club na pa-morningan.

Ang puso sa larawan na ito ay hindi madaling makita. Alam mong nandyan sya dahil sumusunod ako sa tema. Pero parang natatabunan sya ng kung ano sa kanyang paligid.

Parang ganun din ang tao at pag-ibig. Alam mong dahil tao sya, mayroon syang kakayahang umibig at karapat-dapat syang ibigin. Nguni't maraming pagkakataon, nasa harap na natin sya, pinalalagpas pa natin ang pagkakataong umibig at ibigin...

Anu't ano pa man, ang kuha ko ay bahagyang malabo dahil nagloloko ang kamera ko. Hindi rin nakakatulong na kagagaling lang namin sa Absolut IceBar at syempre... *hik*

PUSO = HEART Minutes after midnight struck, we were walking along Kungsgatan in Stockholm. Not a creature stirred, except for the occasional driver behind the wheel, and us four stragglers- 3 Filipinos and a Tanzanian. We found were the Swedes were hiding, in the bars and clubs that surrounded our hotel which remained open until a littel after the sun rose.

The heart in this photo is not that easy to see. You know there's a heart in the photo since it is this week's theme; there's just a bit of a haze from all that surrounds it. Which is not unlike love. It's often *there*, in front of us, the opportunity and personification of love, but the clouds in our environment get in the way- the chance to love and be loved...

ANYWAY, this photo is a bit blurry because my camera got sick en route to Sweden. It likewise doesn't contribute, the fact that we just had a few drinks in the Absolut IceBar earlier that evening... 8-p

Stockholm, September 2007, using a digicam.

11 comments:

  1. Ayun! Nakita ko na siya... aba, at sa Heart Center pa pala ang kuha mo - swak na swak sa tema!

    Happy Balentaym's LP sa iyo!

    ReplyDelete
  2. hindi naman ako nahirapan maaninag ang puso eh, nakita. at hindi rin halatang kuhang "hik" yung larawan. :D

    ReplyDelete
  3. nakita ko agad yung puso sa taas ng gusali kaso di ko mabasa yung pangalan ng gusali at pag ka enlarge, saka ko napansin na heart center nga =))

    mula sa puso eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  4. nakita ko naman siya kaagad hehe: )

    ReplyDelete
  5. nakakatuwa naman parang laro buti na lang nakita ko sya hehehe ^-^

    hapi lp!

    http://teystirol.com/2009/02/12/kapusong-totoo/

    ReplyDelete
  6. ahh...club ba yun? para kasing something--"heart center" yung nakasulat sa neon sign...hehe. kala ko tuloy ospital. :P

    ReplyDelete
  7. kita ko rin ang heart pagkatapos ng ilang minuto. ano'ng ginagawa nila sa heart center na ito?

    ang lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp45-puso-o-hugis-puso-heart-or-heart.html

    ReplyDelete
  8. ayun pala... advance happy hearts day...:)

    ReplyDelete
  9. i can see the heart...happy vday!
    ang aking PUSO ay narito : Reflexes

    ReplyDelete
  10. kaya pala nahilo ang puso sa tuktok!:D parang ang tagal kong tinitigan ang litrato mo bago ko nakita...

    ReplyDelete
  11. Ang ganda ng entry mo... gusto ko ang pagkaka-ugnay ng litrato sa mga salita mo.

    Ang aking lahok ay naka-post dito at ang sa aking kapatid naman ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Hapi Huwebes!

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.