Thursday, February 19, 2009

Litratong Pinoy: TIPANAN (Meeting place)



Dahil sa mundo ng mga aklat, nakapunta na ako sa Canada, India, Ingglatera, Tsina, Chile, sa Hogwarts at sa Middle Earth. Nakilala ko ang iba't ibang mga katauhan na naninirahan sa magkakaibang siglo. Nakadaupang-palad ko sila: napaibig at nabigo, nagwagi at nagupo, nadapa at bumangon. Sa mundo ng mga libro, malayo ang nalilibot ko nang imahinasyon lamang ang pasaporte. Lahat nagiging posible.

TIPANAN = MEETING PLACE Because of books, I have been to Canada, India, England, China, Chile, Hogwarts and Middle Earth. I've met different characters living in various time periods. Our paths have crossed: I've fallen in love and have my heart broken; I've savored victory and have been crushed by defeat; I've bled and bounced back. In the world of books, my imagination is my passport to any destination. Anything is possible.

at home, February 2009, using a digicam.

11 comments:

  1. so right. books can take us anywhere. :)
    happy Huwebes. :)

    ReplyDelete
  2. korek ka jan! sa mga pahina ng libro marami tayong nararating...love your take on this week's theme.

    ReplyDelete
  3. Tama ka! Meron ako nung Sherlock Holmes na brown, vol 1 and 2 :)

    ReplyDelete
  4. korek ka dyan!evernight me date kami ng anak ko sa moon,sa farm at sa mundo ng abakada.ganda ng tipanan entry mo!!

    ReplyDelete
  5. Totoo sinabi mo! ang ganda naman ng take mo sa theme nating ngayon.

    Magandang araw ng LP!

    ReplyDelete
  6. tama ka dyan, ako gusto ko rin mga libro. ito sa akin - http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp46-tipanan-date.html

    ReplyDelete
  7. kung marami akong free time, marami na rin sana akong lugar na napuntahan sa kababasa ng libro... *sigh*

    ReplyDelete
  8. Uy nice take on the theme! Sana lang me oras din ako para sa ibang books kaso wala...

    Happy LP!

    P.s. nasend mo na po ba yung adres mo?

    ReplyDelete
  9. nice... happy LP! :)

    ReplyDelete
  10. tunay iyan kaya naman maski saan may dala akong babasahin. Isang paraan na rin ng mag-eeskapo sa mala-karera ng daga na buhay, hindi ba? :)

    Maligayang LP!

    ReplyDelete
  11. tumpak! nakakapaglakbay nga sa iba't ibang lupalop ng mundo at higit pa sa ating imahinasyon dahil sa mga aklat... ito nmn ang aking lahok http://mpreyes.blogspot.com/2009/02/lp-46-tipanan.html

    happy LP!

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.