Thursday, June 4, 2009

Litratong Pinoy: MISYON (Mission)



Sinasabing ang Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe and Ika-Walong Hiwaga ng Mundo, at ang kaisa-isang hindi naisakatuparan sa pamamagitan ng mga alipin. Sa loob ng ilang daang taon, ang mga taniman na ito ay nagsilbing lunan hindi lamang para pagkukunan ng pang-araw-araw na pagkain ng mga katutubong Ifugao kundi sentro rin ito ng kanilang mga paniniwala at kinagawian. Nakalulungkot na maraming bahagi ng mga taniman ang nangangatuyo na at napapabayaan sapagka't wala nang mga kabataan katutubo na pinipiling manatili sa lupain ng kanilang mga ninuno. Marami na sa kanila ang naakit ng Maynila o ibang bansa. Nanganganib na gumuho, hindi lamang ang mga palayan kundi ang mga naipundar na daan-taong kultura ng mga Ifugao.

Upang makatulong kahit papaano sa pagpapanatili ng kulturang Ifugao, naglunsad ng isang proyekto ang isang kasamahang kong doktor na si Dr. Raoul Bermejo sampu ng kanyang mga kaibigan at ng mga pamilyang katutubo sa mga naturang taniman. Ang Batad Kadangyan Lodges Project ay isang pagkakataong makipamuhay sa mga taga-Batad sa kanilang mga bahay na maykakaibang hugis at dama. Ang pananatili ng mga turista sa lugar ay paraan upang maging mas mulat sila sa lagay ng mga katutubong Pilipino habang ang kanilang ibinabayad na pakikipanuluyan ay tumutulong sumuporta sa pagkumpuni ng mga sirang kabahayan ng mga nagtataguyod sa hagdan-hagdang taniman. Para sa karagdagang kaalaman, tumungo lamang sa http://batadkadangyanlodges.multiply.com/

Akuin nating sama-samang misyon ang pagligtas sa mahalagang simbolo ng aking kalinangan, ang mga hagdan-hangdang taniman na ito.

MISYON = MISSION It is widely believed that the Banaue Rice Terraces shown above is the eight wonder of the world, and the only one which was not borne on the backs of slave labor. For several hundred years- if not millennia!- these terraces have not only served as spaces for nutritional sustenance, but they've also come to be a place where indigenous people's culture and way of life flourished. Sadly, majority of the newer generation Ifugaos have been lured by Manila, if not employment abroad. This has left the community prone to hunger, poverty, and loss of identity- all because no one is tilling the soil of the terraced fields.

A colleague of mine, Dr. Raoul Bermejo, along with his friends, and in partnership with a community with similar terraced rice fields to help save the latter. The Batad Kadangyan Lodges Project was launched as an opportunity to get to live days in the shoes of Ifugao families living in the Batad. The minimal fee you pay for staying with the family will help pay for the upkeep of their very unique homes and field. For more information, please visit http://batadkadangyanlodges.multiply.com/.

Let's all work to make cultural sensitivity and preservation our common mission.

the Banaue Ricd Terraces, Ifugao Province, 2006, using a digicam.

11 comments:

  1. Mabuti na lang at may mga taong may sariling kusa sa paggawa ng misyon, dahil alam nila na kung iaasa pa nila ito sa gobyerno eh matatagalan ang aksyon.Sana ay marami pang tumulong sa project ng iyong kaibigan.

    ReplyDelete
  2. Maganda ang adhikain ng kaibigan mong duktor, pakihatid lamang po ang pagbati!
    Nakakalungkot talaga na ang kasalukuyang henerasyon ay nawawalan ng interes sa mga initaguyod ng mga ninuno at ang tawag ng siudad o ibang bansa ay sadyang napakalakas, hindi mapaglabanan.

    happy lp!

    ReplyDelete
  3. i've learned from school nuon na ang banawe rice terraces ay isa sa mga unique sites na mapagmamalaki ng pinas sa mundo. i was surprise to find similar sites elsewhere as old or even older than our terraces - just goes to show na maging nuon pa man we already lived in a global village.

    http://kiwipino.pinoyandpinay.com/

    ReplyDelete
  4. napakagandang misyon yan. Nang mapunta ako sa lugar na yan, ilang taon na ang nakaraan ay nag-alala akong mawawalang lahat yan. mabuti nalang at may mga taong nagmamalasakit. bibisita ako sa sa ibinigay mong link.

    ReplyDelete
  5. Talaga namang isa sa mga pinakamagandang lugar sa Pilipinas ang Banawe Rice Terraces. Isa rin itong simbolo na nag-uugnay sa atin sa ating mga ninuno, sa mga sinaunang mamamayan ng Pilipinas. Nakakalungkot isipin na maaring hindi na masilayan ng mga susunod na henerasyon ang kagandahan nito. Kaya saludo ako sa adhikain na ito!

    Happy thursday kaLP!
    eto naman ang akin: http://olapaula.com/2009/lp-060409-misyon/

    ReplyDelete
  6. Magandang adhikain iyan. Kudos to you.

    Heto naman ang akinglahok.

    ReplyDelete
  7. kailangan ngang alagaan ang banaue rice terraces dahil unti unti na itong nasisira. daoat lang itong ipreserve dahil napakaganda nito! :)

    ReplyDelete
  8. I agree...this is a great mission! Hats off to you! This is my mission

    ReplyDelete
  9. This is a worthwhile mission! And I salute those who took time to preserve one of the most wonderful manmade places on earth.... I still wish to see the Banaue Rice Terraces...I hope it would still be there, though....

    ReplyDelete
  10. nice shot ian... happy LP... :)

    ReplyDelete
  11. Isa iyang misyon na hindi napapntayan ng kahit na ano. Magpasalamat tayo at may mga tao na may magagandang adhikain sa ating kapaligiran =D Magandang araw ka-LP =D

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.