Pangarap ko ang kapayapaan sa Mindanao… sa buong Pilipinas.
I hope for peace in Mindanao… in the entire Philippines.
Pangarap ko na higit na mataas na antas ng pagkakaunawaan ng bawat isang Pilipino.I hope for increased understanding and tolerance among Filipinos.
Pangarap ko na pagkatiwalaan natin ang bawat isa, maging mapanatag tayo sinuman ang ating kapitbahay.
I hope for increased faith and trust in each other.
Pangarap ko na akuin natin ang responsibilidad na pangalagaan ang bawat isa.I hope that we’ll take accountability and be responsible not just for ourselves but for one another
Pangarap ko na piliin nating magkaroon ng pag-asa kaysa magtampisaw sa kawalan nito.
I hope that we’ll all choose to hope rather than despair.
Pangarap ko na piliin nating pagtulungang i-angat ang bansang Pilipinas sa isip, sa salita, sa gawa kung nasaang sulok man tayo ng Pilipinas at ng mundo, bagaman sa o dahil sa tila wala nang dahilan para balikan, alalahanin, o ipagmalaki ang pagka-Pilipino.
I hope we’ll all choose to work to improve the Filipino nation in thought, words, and deeds wherever we maybe in the Philippines or the planet, despite of or because of the seeming lack of any reason to be proud to be Filipino.
city plaza in Cotabato City, March 2009, using a digicam.
Pangarap ko rin ito para sa ating bansa. Sana'y pangarap din ito ng ating mga lider.
ReplyDeleteEto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
Gusto ko ang pangarap mong ito. Marami sa kapwa Pinoy natin ang nangangarap nito....sana magkaron din ng katuparan.
ReplyDeletenakakadismaya ang mga pangyayaring di maganda sa bayan ngayon. sana naman mas marami ang matino na nakaupo sa puesto kaysa sa mga mapagsamantala.
ReplyDeletesalamat sa pakikiisa sa mga pangarap ko, natin =]
ReplyDeletehay, sana nga...hindi tayo aasenso kung lagi tayong nagkakagulo.
ReplyDelete