Thursday, June 18, 2009

Litratong Pinoy: IMPOSIBLE BA ITO? (Is it impossible?)



Imposible ba ito, na makabangon ang isang parokya na nabaon ang kalahati ng simbahan sa rumaragasang lahar mula sa Bulkang Pinatubo? Ang simbahan ng San Guillermo sa Bacolor, Pampanga ang tinaguriang pinakamalaking simbahan sa buong Pampanga- hanggang noong dekada '90 nang lumatay sa bayan ang hagupit ng pagputok ng naturang bulkan. Subali't hindi lamang nakaalpas ang parokya mula sa trahedyang ito. Nagkaroon pa sila ng bagong sigla, mula sa bugso ng mga turistang gustong tumunghay sa kanilang di matinag na pananampalataya. Gabi-gabi ring ipinapakilala ni Santino sa mga manonood na Kapamilya ang simbahang ito, patunay na sa tulong ni Bro, totoong walang imposible, totoong May Bukas Pa.

IMPOSIBLE BA ITO = IS IT IMPOSSIBLE for a parish half-buried in volcanic debris and pyroclastic flow to survive and eventually thrive once more? This is the San Guillermo church in the town of Bacolor, touted as the largest in the province of Pampanga, until the eruption of Mount Pinatubo in the 1990's. However, the parish and the town not only escaped from the doldrums but they are now flourishing- thanks to the influx of tourists who want to witness for themselves the resilience and faith of this community. Nightly, Santino also gives our faith a shot in the arm, proving that with help of Bro, nothing is impossible, that there is still a tomorrow to look forward to.



Church of San Guillermo, Bacolor, Pampanga, May 2009, using a digicam.

10 comments:

  1. uy, pinapalabas din dito sa NJ ang "santino" thru TFC. :)

    ReplyDelete
  2. Basta may mga taong willing na gumawa para sa ikabubuti ng mga ganitong adhikain, posible :)

    ReplyDelete
  3. Oo nga, ito yung simbahang iyon. Kapag nasa loob aakalain mong hindi nakalubog ano?

    Ito ang aking “imposibleng” larawan ngayong linggo: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-imposible-ba-ito.html

    ReplyDelete
  4. eto pala iyong simbahan ni Santino? talagang malaking-malaki siguro ito noong hindi pa nalulubog.

    ReplyDelete
  5. ang galing naman nya! sana ung sa cagsawa nag-survive din.

    happy huwebes!

    ReplyDelete
  6. http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/06/imposible-ba.html
    opo makakabangon din sila sa tulong ni BRO.

    ReplyDelete
  7. naririnig ko si "santino" na pinag-uusapan ng aking mga officemates. ito pala ang set ng tele-novella na yon. galing!

    ReplyDelete
  8. ay talaga? ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-imposible-ba-ito.html

    ReplyDelete
  9. I think it is every person's will to survive and rise up after a disaster that makes everything possible...

    ReplyDelete
  10. ito nga ang lugar kung saan kinukunan ang teleserye na May Bukas Pa, tuwing Linggo at Huwebes yata ang shooting, kung tama ang alaala ko.

    sana nga, maging simbolo ng katatagan ang simbahang ito, ng mga bagong simula, at pangalawang pagkakataon =]

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.