Thursday, May 28, 2009

Litratong Pinoy: ALAM MO BA? (Do you know?)




Alam mo ba na ang Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ng bawat taon ay tinaguriang Araw ng Watawat? At alam mo rin ba ang mga sumusunod na bagay-bagay tungkol sa ating Pambansang Watawat?

1. Ang unang watawat ay tinahi ni Marcela Agoncillo, kanyang anak na si Lorenzana, at Delfina Herbosa Natividad (pamangkin ni Jose Rizal) sa 535 Morrison Hill Road, Hongkong, mula sa konsepto ni Hen. Emilio Aguinaldo.

2. Ang unang pagkakataon na iwinagayway ang watawat na ito ay noong Mayo 28, 1898 matapos magwagi ang mga Pilipino laban sa mga Kastila sa Barrio Alapan, Imus, Cavite.

3. Ang Republic Act 8491 ang batas na nagtatakda sa wastong pagkilala, paggalang, pagwagayway, atbp ng ating Pambansang Watawat.

4. Pangkalahatan, ang watawat na nasa bukas at hayag na lugar ay dapat lamang nakawagayway mula pagsikat hanggang paglubog ng araw.

5. Sa mga sumusunod na lugar dapat nakawagayway ang watawat sa lahat ng araw ng taon, araw at gabi:

Palasyo ng MalacaƱang;
Gusali ng Kongreso ng Pilipinas;
Gusali ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas;
Rizal Monument sa Luneta;
Bonifacio Monument sa Caloocan City;
Emilio Aguinaldo Shrine in Kawit;
Barasoain Church Historical Landmark sa Malolos City;
Marcela Agoncillo Historical Landmark sa Taal;
Tomb of the Unknown Soldier;
Libingan ng mga Bayani sa Taguig City;
Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion sa North Cemetery;
at lahat ng International Ports of Entry.

6. Ang anumang tagdan ng watawat ay hindi dapat kapantay o hihigit sa taas ng Independence Flagpole (107 feet) na matatagpuan sa Rizal Park.

7. Kapag ang watawat ay naka-display nang patayo, ang tatsulok na bahagi nito ang dapat nasa itaas, habang ang asul sa bahagi ay dapat nasa kaliwang bahagi (ng tumitingin).

8. Kapag ang watawat ay itataas nang kalahating-tagdan (half-mast) lamang, kailangan muna itong itaas hanggang sa pinakatuktok ng tagdan at mula roon ay ibaba sa kalagitnaan ng flagpole.

9. Permanenteng nasa kalahating-tagdan ang mga watawat ng Pilipinas sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City at sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion sa North Cemetery.

10. Bawal iwagayway ang watawat sa lugar tulad ng sabungan, bahay-pasugalan, mga kabaret, atbp.

Iwagayway ang watawat ng Pilipinas kung nasaan ka man naroroon, pati sa iyong blog at sa buong cyberspace! Mabuhay ang Pilipinas!

(Kung alam mo na ang mga bagay-bagay na ito, dakila ka, kabayan! Kung bago rin ito sa iyong kamalayan (tulad ko!) huwag malumbay! Dagdag na kaalaman tungkol sa watawat, Pambansang Awit at iba pang simbolo ng Republika ay matatagpuan sa National Historical Institute website at sa isa ko pang blog.)

ALAM MO BA = DO YOU KNOW that May 28 to June 12 are declared Flag Days? And do you also know these facts about the Philippine National Flag?

1. The first flag was sewn by Marcela Agoncillo, her daughter Lorenzana, with Delfina Herbosa Natividad (niece of Jose Rizal) in 535 Morrison Hill Road, Hongkong, from the concept of General Emilio Aguinaldo.

2. The first time the flag was flown was after the Battle of Alapan was won on May 28, 1898 in the village of Alapan, in the town of Imus, in Cavite province.

3. Republic Act 8491 is the Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-Arms and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines.

4. In general, the national flag should be displayed daily only from sunrise until sunset.

5. In the following places, the national flag should be displayed 365 days and 24/7:

MalacaƱang Palace;
Congress of the Philippines building;
Supreme Court building;
Rizal Monument in Luneta;
Bonifacio Monument in Caloocan City;
Emilio Aguinaldo Shrine in Kawit;
Barasoain Church Historical Landmark in Malolos City;
Marcela Agoncillo Historical Landmarkl in Taal;
Tomb of the Unknown Soldier;
Libingan ng mga Bayani in Makati City;
Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion in N.Cemetery;
and all International Ports of entry.

6. No flagpole should be as tall or taller than the Independence Flagpole at the Rizal Park. Its height is 107 feet.

7. When displayed vertically, the triangle should be on top. The blue field should be to the left of the observer in time of peace, and the red field to the left of the observer in time of war.

8. When the flag is to be flown at half-mast, it must first be hoisted to the top of the flagpole before it is lowered to the middle part of the pole.

9. The Philippine National Flag is at permanent half-mast at the Tomb of the Unknown Soldier at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City and the Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion in the North Cemetery.

10. The flag should not be displayed in areas of frivolity like casinos, night clubs, etc.

Let the Philippine National Flag fly free, a symbol of our proud nation, wherever you maybe, including here in cyberspace, in your blogs even. Mabuhay ang Pilipinas!

(If you already knew these tidbits, good for you! But if like me these are new information, don't fret! Additional information about our national flag, our national anthem, and other symbols of the republic is available in the National Historical Institute website and in my other blog.)

a Gawad Kalinga village in Anislag, Daraga, Albay, April 2007, using a digicam.

13 comments:

  1. Napaka-interesting po ng mga trivia tungkol sa watawat. ibinalik ng post mo na ito ang aking mga alaala noong ako ay minsang sumali sa eskwela sa isang quiz bee tungkol sa kasaysayan. Nice take on the theme :)

    ReplyDelete
  2. wow! interesting,educational and informative ng post mo, at aaminin ko na hindi ko iyon alam,salamat sa iyon post at nadagdagan ang aking kaalaman. :)

    ReplyDelete
  3. ohmygoodness, ang dami palang trivia about the philippine flag! hindi ko alam na may flag week pala!

    ReplyDelete
  4. Thanks for the trivia, at least nadagdagan ang aking nalalaman tungkol sa ating watawat, nice photos, Happy LP!!

    ReplyDelete
  5. Ka Ian, napaka informative ng post mo na ito, maraming salamat sa pagbabahagi sa amin!

    Happy LP :)

    ReplyDelete
  6. great info! ngayon ko lang nalaman na meron palang Araw ng Watawat (absent siguro ako kapag Araw ng Watawat noon :D).

    ReplyDelete
  7. Salamat sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa ating watawat! Mabuhay ka, kabayan! :)

    ReplyDelete
  8. ang gustong kong malaman ay kung sino nagtatatag ng araw ng watawat ang may28-june 12, dahil araw means day and not several weeks.

    ReplyDelete
  9. napabilib ako sa dami ng kaalaman na ibinahagi mo tungkol sa watawat. malapit na nga pala ang june 12. :)

    ReplyDelete
  10. ang galing ng lahok mo ngayon, suwak na suwak sa araw ng watawat at nalalapit na araw ng kasarinlan natin ngayong Hunyo. Hindi ko alam na pamangkin si Delfina Natividad ni Gat Rizal pero ang alam ko, kamag-anak si Agoncillo ni Aguinaldo:)

    maligayang LP!

    ReplyDelete
  11. hello kiwipino! salamat sa pagbisita sa aking lahok =]

    ang May 28 ang National Flag Day ng Pilipinas, ngunit ang Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ang tinaguriang Flag Days o Mga Araw ng Watawat. Mali ko na hindi ko nailagay ang "Mga" sa teksto ng aking lahok.

    Ang National Historical Institute ang nagpapatupad ng Flag Days. Kung hindi ako nagkakamali, sa panahon ni Pang. Ramos ang simula nito. sa pakiwari ko ay pinahaba ang panahon ng pagkilala upang maitampok talaga ang kahalagahan ng ating pambansang sagisag na hindi sasapat sa isang araw lamang


    Nasa http://www.nhi.gov.ph ang kabuuan ng batas na ito =]

    sana maliwanagan ka sa paliwanag ko =] hindi ito kabahagi ng mga misnomer ng kulturang Pinoy =]

    ReplyDelete
  12. madami akong natutuanan tungkol sa ating watawat..galeng!

    Happy LP!

    ReplyDelete
  13. Minsan lang ay yung mashadong pagiging makabayan ba ay nagiging kaagaw ng dapat sana ay para sa Diyos.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.