Thursday, November 27, 2008

Litratong Pinoy (LP): ANG PAGWAWAGI (Victory!)




Ito ang Ang Pangingibabaw ng Agham Laban sa Kamatayan (The Triumph of Science Over Death), sinlaki-ng-taong lilok na halaw mula sa orihinal na gawa ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ang dalagang may tangan na sulo ay nakatuntong sa isang bungo, isang paglalarawan ng pagwawagi ng mga makabagong paraan sa panggagamot kontra mga karamdaman.

Ang istatwang ito- binansagang Lady Med- ay matatagpuan sa harapan ng pangunahing gusali ng Kolehiyo ng Medisina ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Ang orihinal na likha ni Rizal, may taas na humigit-kumulang 18 pulgada ay matatagpuan naman sa Dambana ni Rizal sa loob ng Kuta Santiago.

ANG PAGWAWAGI = VICTORY

This is The Triumph of Science Over Death, a life-size rendition of a sculpture originally done by the Philippine National Hero Dr. Jose Rizal. The woman with a raise torch is perched atop a skull, symbolizing the innovations in the health care field that has saved the lives of countless people.

This monument- fondly called Lady Med- stands in front of the main building of the College of Medicine, University of the Philippines Manila. The original sculpture done by Rizal- which is about 18 inches tall- rests among the invaluable memorabilia in the Rizal Shrine inside Fort Santiago.

Calderon Hall, University of the Philippines College of Medicine, Manila, 2006, using my Woca 120G toy camera.

Thursday, November 20, 2008

Litratong Pinoy (LP): MADUMI (Dirty)




Taliwas sa mga kapwa natin Asyano, ang Pilipino na marahil ang pinakamaboka sa mga naninirahan sa sinasabing Silangang bahagi ng mundo. Imbis na mangimi o tumahi-tahimik na lamang, may nadarama tayong laya na isigaw at isagawa ang ating mga nasasaisip. At ito ay kitang-kita sa mga halalan sa Pilipinas. Hindi lamang sila simpleng gawaing politikal; madalas, nagmimistula itong pista.

Hindi na bago ang makakita ng mga bandi-bandiritas ng mga poster at patalastas ng mga kandidato sa bawat pader ng bayan. Walang pinatatawad na bakanteng espasyo. Subali't higit sa duming iniiwan ng mga pulyetos at mga poster, ang tiwaling pangangampanya gamit ang dahas, pera, at pananakot ang mga pinapanalangin ko na mabago sa Pilipinas, sa panahon ng eleksiyon at palagi.

MADUMI = DIRTY Unlike our neighbors, Filipinos arguably are the most outspoken among Asians. Rather than be silent, we express our freedom by speaking or living out our thoughts and ideals. This is very evident in the way elections happen in the Philippines. They are not mere political exercises but celebrations by themselves.

It is not uncommon to see the visual clutter, posters of candidates festooned over every centimeter of empty vertical space. But more than the mess evident in our leaflets- and brochures-strewn streets, the dirt I pray that the country will be cleansed of is the culture of guns, goons, and gold dominating the nation during election time... and beyond.

Malaybalay City, Bukidnon, April 2007, using my Canon A430 digicam.

Thursday, November 13, 2008

Litratong Pinoy (LP): KINAGISNAN (What we are used to)



Para sa maraming Pilipino, anuman ang ating relihiyon na inaaniban o pananampalataya, pangkaraniwan na ang makakita tayo ng simbahan sa ating mga bayan. Kaakibat nito ang tunog ng mga kampana, lalo na sa mga partikular na oras tulad ng orasyon o di kaya'y bilang hudyat ng pasimula ng isang misa. Ang simbahan sa itaas sa unang tingin ay kahanay lamang ng mga pangkaraniwang simbahan nguni't ang simbahan ng San Lorenzo sa Balangiga sa Samar ay bahagi ng malungkot na kasaysayan ng Pilipinas na tinaguriang Balangiga Massacre.

Sa di masyadong maraming salita, ang Balangiga Massacre ay engkwentro ng mga Amerikano at Pilipinong gerilya noong 1901 na naging bunga ng at nagbigay bunga sa serye ng mga pagkitil sa maraming buhay. Sa huli, ang mga Amerikanong mananakop, matapos maipaghiganti ang pagkamatay ng 40 nilang kasama sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng katao sa Balangiga na may edad 10 taong gulang pataas, ay nakuha pang nakawin ang tatlong kampana ng simbahan ng Balangiga.

Mapahanggang sa ngayon ay naka-display ang mga naturang batingaw sa Amerika at Timog Korea, tanda ng kanilang pananakop at paniniil sa mga Pilipino. Ang mga kampanang ito- mga gamit pang-ispirituwal na di dapat kailanman kinamkam bilang pabuya ng giyera- ay dapat nang ibalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, sa parokyang ninakawan ng kampanang pagkakagisnan.

Online petition para ibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas.

KINAGISNAN = WHAT WE ARE USED TO Filipinos regardless of faith or religious affiliation are used to seeing churches in towns and cities. The peal of bells signaling the Angelus or the beginning of mass are part of a town's daily sights and sounds. The church above may seem ordinary but it sits in an area that has been a witness to a dark period in Philippine history, the Balangiga Massacre.

In not so many words, the Balangiga Massacre is a product of and resulted to a horrific series of events at the beginning of the American occupation of the Philippines in 1901. At the end of it all, the American soldiers avenged the death of 40 comrades at the hands of Filipino guerillas by killing residents of Balangiga who are at least ten years of age; they even took as war booty the three bells of Balangiga.

Currently, the bells are still in American possession, displayed in Wyoming and South Korea, unwitting symbols of American imperialism and arrogance. These religious artifacts which should have been exempt from being taken by these pillagers in the first place must be returned to the Philippines now. They must be returned to the town of Balangiga whose people hear nothing but the deafening silence of American indifference in place of their beloved bells.

Online petition for the return of the Balangiga bells to the Philippines.

Balangiga, Samar, September 2006 using my Canon A430 digicam.

Thursday, November 6, 2008

Litratong Pinoy (LP): MAALAALA MO KAYA? (Will you remember?)



Ang Ehipto ang isa sa mga lugar na nais kong mapuntahan bago lubugan ng araw ang aking buhay. Ang libu-libong taon ng kasaysayan, arkitektura, mga lihim, pighati, at tagumpay ng sibilisasyong ito ay epikong hinding hindi matatawaran. Kung makapagsasalita lamang ang mga templo, himlayan, istatuwa't rebulto sa kanyang mga disyerto, kay raming misteryo siguro nilang mapapabulaanan o mapapatotohanan...

Ang nasa itaas ay isang plaster cast ni Rameses II, isa sa mga pinakadakilang pinuno ng Ehipto. Nakuha ito mula sa British Museum noong 1890's at bahagi na ngayon ng permanenteng koleksyon ng The Charleston Museum sa South Carolina, USA- ang kauna-unahang museo sa America, itinatag noong 1773.

MAALAALA MO KAYA = WILL YOU REMEMBER Egypt is one of the top five places I'd like to step foot on before the sunset of my life. The thousands of years of history, architecture, secrets, misery, and triumphs of their civilization is an epic without compare. If only the temples, tombs, and statues in their deserts can speak, I'm sure they have tons of "truths" to belie or confirm...

Above is the plaster cast of Rameses II, one of Egypt's greatest leaders. It was acquired from the British Museum in the 1890's and has since been part of the permanent collection of The Charleston Museum in South Carolina, USA - America's first museum, established in 1773.

Charleston, South Carolina, January 2007, using my Canon A430 digicam.