Thursday, June 9, 2011

Litratong Pinoy: PRENO (Break)



Gaano karami pa kaya sa atin ang tumitigil upang magbigay-pugay tuwing mapapadaan sa isang paaralan, opisina, o palatuntunan na itinataas ang ating watawat at kinakanta ang ating pambansang awit? Gaano karami pa kaya sa atin ang napapatigil upang isipin, sariwain, ipagpasalamat, ipagpatuloy ang pagpupunyagi ng mga nauna sa atin upang makamit ang kalayaang ating tinatamasa sa kasalukuyan?

Isang paalala mula sa ating Pambansang Bayani, Jose Rizal, sa panahon ng paggunita sa ika-150 taon ng kanyang kapanganakan:



PRENO = BREAK

I wonder-

How many among us stop and pause when the national anthem is being sung and our flag is being raised at a school, office, or program?

How many among us stop to think about, reminisce, be thankful for, and continue the efforts of those who came before us to fight for the freedom we enjoy today?

Please see the reminder above from the Philippines' National Hero, Jose Rizal, on the occasion of his sesquicentennial birth anniversary celebration-

inside Fort Bonifacio, Taguig City, June 2011, using a digicam.

3 comments:

  1. Hay, bihira ko na gawin ito. Minsang napadaan kami sa aming brgy hall ng Lunes, yun tumigil kami. Pero late kami sa opis. ng matapat naman kami sa stop light sa POEA, red light pero di kami bumaba.

    Preno

    ReplyDelete
  2. parati ako inaabot ng last full show sa sinehan kaya lagi ako nakatayo sa pambansang awit.:p sa flag raising naman, bihira lang...pero im sure tumitigil pa rin ang karamihan sa atin.

    ReplyDelete
  3. ah, masasabi ko naman na tumitigil ako kapag may nagpapatugtog ng pambansang awit, nakasanayan kasi mula pa nang grade school.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.