Thursday, September 10, 2009

Litratong Pinoy: LANSANGAN (Road)



Ang mga panandang ito ay matatagpuan sa magkabilang gilid ng mga pangunahing lansangan sa Pilipinas. Inihahayag ng taas na numero ang kasalukuyang layo mo sa punung pananda (Kilometer Zero) na matatagpuan sa tapat ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta sa Maynila, samantalang ang ilalim na numero naman ay kumakatawan sa layo mo sa susunod na bayan o siyudad na ang pangalan ay nagsisimula sa titik sa ibabaw nito.

Ito na marahil ang pinakamalayong napuntahan ko sa Pilipinas, kung ang pagbabatayan ay ang mga pananda ng layo. Ang larawang ito ay kinuha 1,853km mula sa Maynila at 31km mula sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Ilang metro lang ang layo nito sa katedral ng Cotabato City, na ang katapat ay isang branch ng McDonald's.

Kahit saan ako mapadpad, iba't ibang mukha man ang nakikita ko; iba't iba man ang kulay ng traysikel o kakaning nilalako sa mga tindahan; sari-sari man ang gusali at gulay na tila nakatanim nang buong luwag o sinsin- may humahabi at nag-uugnay sa ating mga Pilipino na likas na atin. Hindi ko ito nahahanap sa mga kalye ng Amerika at Europa, ni sa ibang bansa sa Asya.

Hindi ko pa rin matukoy kung ano *iyon*, pero nadarama ko *siya*. At isa *siya* sa mga ipinagpapasalamat ko tuwing naglalakad-lakad ako sa mga lansangan ng Pilipinas.

LANSANGAN = ROAD Markers such as this sit on either side of the main highways of the Philippines. The top number details your current distance from the Kilometer Zero situated across the Rizal Monument in Luneta located in the Philippine capital of Manila, while the lower number represents the distance to the next town or city, whose name begins with the letter above it.

As indicated from among the kilometer markers that have come my way, this is probably the farthest I've been from Manila. This photo was taken in Cotabato City, 1,853kms away from the capital, 31kms from the next town of Datu Odin Sinsuat, Maguindanao province, a few meters away from the metropolitan cathedral which had a McDonald's just across it.

In all my travels in the Philippines, whenever I see different faces, experience various flavors, am mesmerized by buildings, enjoy tricycle rides, there is a *something* that binds us Filipinos together, *something* that is particularly absent when I was in the US, Europe, or other parts of Asia.

I can't quite put my finger on *it* but *it* is really palpable. *It* is one of those things I miss when I am abroad, one of those things I am most thankful for whenever I wander through the streets of the Philippines...

Cotabato City, March 2009, using a digicam.

8 comments:

  1. uy salamat sa post mo,may natutunan ako ngayong araw, ang alam ko lang eh yung Kilometer Zero sa Luneta, pero di ko na alam yung tungkol sa Letter and the lower number. galing mo naman! :)

    ReplyDelete
  2. no place like home talaga sabi nga ng marami....

    ReplyDelete
  3. ay ang galing ng pagkakakuha mo sa litratong ito.. at ang layo nga!!!

    Eto naman ang lansangan ko

    ReplyDelete
  4. Ngayon ko lang nalaman yung ibig sabihin ng mga yan. hehe

    ReplyDelete
  5. i love your post. ang humahabi at nag-uugnay sa ating mga Pinoy dito sa Pilipinas ay ang pakiramdam na "I am home".

    ReplyDelete
  6. ang alam ko naman ung sa baba,.ung hindi ko alam eh ung kilometer zero. ung luneta pala pananda! galing..salamat sa info!


    eto naman po ung akin :D

    Lansangan :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    ReplyDelete
  7. Salamat at nasagot na ang matagal ko nang tanong, kung ano iyong numero sa itaas. Ang alam ko lang kasi iyong numero sa ibaba na nagpapahiwatig ng layo mo sa susunod na bayan.

    Pareho tayo ng pakiramdam, maski saan mang sulok ng Pinas, may kung ano ang naghahabi sa atin ng ating pagiging Pilipino. maligayang LP!

    ReplyDelete
  8. ang ganda ng iyong entry. dama ko ang pagiging Pilipino ko :-)

    heto nman ang aking lansangan

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.