Thursday, September 17, 2009

Litratong Pinoy: KARATULA (Signs)


Sa biglang tingin, ang napansin ko agad ay ang matangkad na gitnang istruktura na may tuktok na parang sa isang mosque. Wala na nga ako sa Maynila, nasabi ko sa aking sarili. Nguni't sa dagdag na pag-usisa at pagtitig sa larawan, may nakita akong Jollibee, tricycle, umpukan ng mga nagtitinda ng prutas, nagbebenta ng lobo, lokal na restoran, tindahan ng film ng kamera. May mga karatula at palatandaan na nakikita ko sa kahit anong lugar ako mapadpad sa Pilipinas, maging ako man ay nasa Makati, Maguindanao, o Macabebe.

Hindi pala tayo ganoon ka-magkakaiba...

KARATULA = SIGNS At first, what grabbed my attention was the minnaret-like structure which served as a welcome arch into the city's center. I am definitely not in Manila anymore, I told myself. However, further scrutiny of the vista yielded a Jollibee branch, tricycles, clusters of fruits vendors, balloon sellers, local restaurants, a camera film shop. These were signs and symbols visible in Makati, Maguindanao, or Macabebe- duplicated almost anywhere in the Philippines.

We're not that different after all...

downtown Cotabato City, Match 2009, using a digicam.

10 comments:

  1. Yung Jollibee ang napatitig ako ng husto...miss ko na kasi =) pero parang hindi Pinas nga ano?

    Happy LP!

    ReplyDelete
  2. nag sisigawan talaga ang mga karatula, ano? Pinas na Pinas ang dating.

    ReplyDelete
  3. oo nga, may pinagkaiba at may magkapareho pa rin tayong mga Pinoy. maligayang LP!

    ReplyDelete
  4. Ang Jollibee talaga parte na ng buhay Pinoy.

    Eto naman ang aking makulit na karatula ngayong Hwebes:

    http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-karatula-sign.html

    ReplyDelete
  5. beeda ang saya! hehehe


    eto naman po ung akin :D

    Temporary Closed :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    ReplyDelete
  6. Ay, nakupo, hindi lang sa Pinas merong Jolibee, meron din dito sa California, at palaging puno, gandang negosyo!

    Ebie's Karatula.

    ReplyDelete
  7. ang maganda dyan eh may mga pamilyar na lugar at tindahan at mayroon ding bago at kakaiba, depende na lang talaga sa mood mo kung saan mo gustong pumasok. Maligayang araw ka-LP!

    ReplyDelete
  8. basta may Jollibee at SM, alam mo nasa Pinas ka.:P

    ReplyDelete
  9. hirap hanapin pero nakita ko rin! ito sa akin http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/09/lp-karatula.html

    ReplyDelete
  10. kahit saan may pulang bubyog ano.. hehe

    salamat po sa pagtangkilik kay utoy:

    Hi guys! I know some might find this offending (a bit of a spam, again) but this is the only way I know to get back at you as quickly as possible.

    First, I would like to thank all of you for patronizing utoy(adgitizing made easy). Utoy is very happy with your warm welcome. He is glad that you find time playing with him (using the tool). In the near future we will make a post about Utoy's playmates to show our appreciation to all of you.

    Second, if you have been playing with him and still could not figure it out, here are some guides that may help:

    Click an utoy box and it will open 5 tabs (each site has an adgitize ad group)
    Click one adgitize ad on each site. Clicked ads will open in another tab. That gives you 10 tabs.
    Close all then click an Utoy box again.
    Each utoy box gives you 5 points


    Please take note that you have to log in to your aditize account before playing with utoy..
    Lastly, Utoy prefers Firefox.

    Thanks again!

    Make or Break

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.