Sa habang 1.8 kilometro, isa na yata sa pinakamahabang tuluy-tuloy kong nalakad sa buong buhay ko ang Brooklyn Bridge sa New York City. Isang kakaibang karanasan ang tumapak sa naturang tulay na may edad 125 taong gulang, pati na rin ang mahawakan ang mga ga-higanteng mga piraso ng bato at hibla ng bakal at matanaw ang East River at Manhattan skyline mula sa tulay, at madama ang patuloy na pagbugso ng hangin mula sa karagatan ng Atlantiko.
Ang itaas na bahagi ng tulay ay nakalaan sa mga taong naglalakad o nagbibisikleta. Ang mas mababang bahagi ay laan sa may 145,000 libong sasakyang tumatawid papunta at galing ng Manhattan at Brooklyn. Ang magkabaligtarang larawan ng mga taong ito na matatagpuan sa bahagi ng Brooklyn Bridge na nakalaan para sa mga bumabagtas sa tulay nang palakad, ay makikita malapit na malapit sa pinakagitnang bahagi ng kahabaan ng tulay. Nang maabot namin ang bahaging ito ay parang gusto ko nang bumalik papuntang Manhattan pero tumuloy pa rin kaming tumawid hanggang sa umabot kami sa bahagi ng Brooklyn- kung saan kami bahagyang nawala =]
LAKAD = WALK At 1.8 kilometers, walking on the Brooklyn Bridge was I believe one of the longest continuous walking adventures I've ever had. It was quite an experience, being able to touch the huge slabs of stone and the twisted metal cables, taking in a different view of the East River and the Manhattan skyline, even feeling the steady Atlantic breeze.
The upper deck of the bridge is for foot and bicycle traffic, lower decks are for the 145,000 vehicular traffic crossing to and from Manhattan and Brooklyn. This head-to-head symbol for the foot path is located at or very close to the midpoint of the bridge. I thought of turning back and return to where we began, but Brooklyn (on which I have never set foot on) beckoned. So cross the entire length of the bridge we did. Before we knew it we were *slightly* lost in Brooklyn, which made the experience triply fun.
Brooklyn Bridge, New York City, May 2008, using a digicam.
ang ganda naman. salamat sa information
ReplyDeleteCrossing the Brooklyn bridge is one of my "mini dreams" - kaya lang walang gustong sumama sa akin everytime we are in NY. Next time...
ReplyDeletesiguradong kakaiba ang pakiramdam sa pagtawid ng Brooklyn. Hindi lang siya antigo, kilalang-kilala pa sa buong mundo dahil lagi siyang kasama sa eksena sa mga pelikula. maligayang LP!
ReplyDeleteNice bit of info. Sarap sigurong maglakad diyan kahit mahaba .... Sana'y marating ko rin ang lugar na iyan one of these days.
ReplyDeletehayyy kelan kaya ako makakapaglakad diyan...
ReplyDeletemaligayang paglalakad ka - LP
heto po ang aking lahok:
http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html
Nakaka-aliw din siguro maglakad diyan dahil maraming pwedeng makita.
ReplyDeleteEto naman ang lakad namin nitong nakaraang long weekend: http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html
nakakawala ng pagod mula sa paglalakad kung maganda naman ang patutunguhan :)
ReplyDeleteeto naman po ung akin :D
Lakad. Lakad :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
Marami na bang Hollywood movies ang nagshooting dito? :)
ReplyDeletenakatawid na rin ako sa Brooklyn Bridge no'ng nag-stay ako sa aking kaibigan sa Brooklyn. pero di ko alam ang history ng tulay.:P
ReplyDeletethanks for sharing.
Great pictures thanks for sharing :)
ReplyDeletesaya naman po. sana makarating din ako sa New York someday.
ReplyDeleteinteresting.. ang dami mo na rin palang narating no? :)
ReplyDelete