Thursday, July 14, 2011

Litratong Pinoy: MAPANGLAW (Melancholic)



Nang makita ko ang larawan nito sa hotel na aming tinuluyan sa isang training sa Laoag City, sinabi ko talaga sa aking sarili na kailangan ko itong makita. Mayroon akong kakaibang interes sa mga parola. Sinikap naming isingit sa paspas naming pananatili sa Ilocos ang pagsaglit rito.

Sa malayo pa lamang, mapapansin na agad ang tikas ng parola ng Cape Bojeador sa Burgos, Ilocos Norte. Nang mapuntahan namin ang parola at nakita nang malapitan, higit na maganda ito kaysa larawan. Yun nga lang, may lambong ng lungkot sa lugar. Marahil dahil sa ang ilang bahagi nito ay hindi na singlinis o sing-kaaya-aya tingnan. Marahil dahil sa mga malulungkot na kuwento ng ikatlong henerasyon nang tagapangasiwa ng parola, hinggil sa pulitika na kumakalawang rito. Hindi rin nakatutulong ang pagdaplis ng bagyong Chedeng nang panahong iyon sa hilagang Luzon. Basta.

Sa harap nito, patuloy na nagsisilbing gabay ang parola sa mga bumabaybay sa karagatang dumadampi sa baybayin ng Ilocos. May liwanag na maaaninag sa gitna ng kakaibang kapanglawan ng kapalaran ng parola.

MAPANGLAW = MELANCHOLIC

When I saw its picture hanging along the corridor of the hotel I was staying in for a training in Laoag City, I told myself that through whatever means, I HAVE to visit that lighthouse. I did manage to slip the visit into my schedule for which I was thrilled tremendously.

From afar, the majesty of the Cape Bojeador Lighthouse in Burgos town, Ilocos Norte province is beyond noticeable. It is so much more beautiful up close versus the framed photos in the hotel. However, I can't quite put my finger on this... cloak... of heaviness that surrounds the area. Perhaps it's because the lighthouse and its surrounding environs are not in the pink of health, so to speak, having fallen into some disrepair as of late. Perhaps it's because of the not-so-nice stories the third generation lighthouse keeper couldn't help divulge to us as regards the intrusion of politics in the operation of the lighthouse. Or perhaps the gray clouds are just brought into the area by the tropical cyclone which was passing nearby. Perhaps...

But in the face of all this, the lighthouse continues to be a beacon of safety, guiding ships as they skim the shores off Ilocos. The light continues to shine through the haze and muck of life.

Lighthouse at Cape Bojeador, municipality of Burgos, May 2011, using a digicam.

No comments:

Post a Comment

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.