Thursday, February 24, 2011

Litratong Pinoy: KAKARAMPOT (Few)



Mangilan-ngilan na lamang ang mga natitirang gusali na may disenyong Art Deco. Marami sa mga lumang gusali- natayo noong panahon ng mga Amerikano hanggang matapos marahil ang giyera- ay nagupo ng digmaan o ng pangangailangan ng mga makabagong mamumuhunan sa lupang kanilang kinatitirikan. Ang kita ng ilang negosyante ay kawalan ng kasaysayan ng karamihan. Ang mga nakaligtas namang mga gusali ay daan-daanan na lang at hindi na halos napapansin.

KAKARAMPOT = FEW

Only a handful of Art Deco buildings have survived the Second World War or humanity's insatiable need for land, especially in Manila. It is sad though that a few business people profit from the loss of cultural icons of the bigger population. Those buildings that have survived suffer from neglect and abuse and are not paid much heed...

along Espana Blvd in Manila, January 2011, using a digicam.

2 comments:

  1. Totoo yan doc Ian. Nakakahinayang na sa Maynila ang mga lumang gusali ay hindi nabibigyan ng tamang pansin ng mga kinauukulan. Isa ito sa magandang pamamalakad ng mga europeano sa kanilang 'history'. Inaalagaan. Nirerespeto.

    Happy LP po!

    ReplyDelete
  2. Tama, parang mas gusto pa nga nilang itumba ang mga iyon para tayuan ang mga condo at malls, tsk.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.