Ang mga Simpsons ang isa sa pinakakilalang pamilya sa buong mundo. Higit sa 20 taon na ito sa ere at mukhang mananatili pa ito sa ating mga telebisyon. Nakakatawa talaga ang marami sa mga kaganapan sa buhay nina Homer, Marge, Lisa, Bart, Maggie, at kanilang angkan: ang iba ay hindi kapani-paniwala, ang iba naman ay tila salamin ng lipunang ginagalawan ng marami sa atin.
Ang ating mga pami-pamilya ay para rin talagang isang tsubibo sa karnabal: minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. May mga pagkakataon na gusto mo nang kumawala subali't hindi maaari dahil patuloy ang pag-inog nito. Gayunpaman, sa dinami-dami ng magkakahalong sakit at ligaya, sa dulo ng lahat, sa palagay ko ay pipiliin pa rin natin ang ating mga pami-pamilya.
Minsan di ko kayang mabuhay kasama sila, pero mas mas madalas, mahirap mabuhay na wala sila.
PAMILYA = FAMILY
The Simpsons would arguably be one of the most popular families in the world. For 20 years, their eventful life has unfolded inside our TV screens and they're likely to have another season starting in the fall. The lives of Homer, Marge, Lisa, Bart, Maggie and the rest of their clan are just hilarious: some scenes are outrightly inane and impossible, some are mirrors of our own (mis)adventures as families and societies.
Life in most of our families are like carnival rides: sometimes you're up, sometimes you're down. There are times you'd want to jumpship but you just can't because it just keeps racing up and down its tracks. Be that as it may, for its mixture of hurt and happiness, at the end of it all, I'd bet my neck most of us would still choose to be born into the families we are in now.
Families: can't live with them, can't live without them =]
Universal Studios Florida, December 2009 using a digicam.