Thursday, December 10, 2009

Litratong Pinoy: HILING (Wish)




Ang larawan sa itaas ang isang pangkaraniwang tahanan sa Maguindanao, makikita habang binabagtas ang pangunahing lansangan na nag-uugnay sa Lungsod ng Cotabato sa Lungsod ng Heneral Santos. Sa mga mumunting bahay na ito tumitira sa sadlak na kahirapan ang mga naitaboy sa kani-kanilang mga lupa at tahanan ng labanan ng gobyerno at ilang mga armadong grupo- away na wala silang kinalaman. At sa gitna ng kahirapang ito, ang mga magagarbong rotonda (tulad ng larawan sa ibaba) ay umuusbong, mga altar para sa mga umaarteng panginoon sa lugar, ang ngalan nila nagsisimula sa "Z-U-A" at "G-M-A"...

Nawa'y magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa Maguindanao at sa buong bansa. Nawa'y matamo ng mga naulilang pamilya ang katarungan sa sinapit nilang delubyo. Nawa'y umusbong ang isang sambayanang nananalangin, nakikilahok, naninindigan.

HILING = WISH

The top photo depicts a typical home in Maguindano, a common vista along the national highway connecting the cities of Cotabato and General Santos. In these tiny homes live families displaced by war between government forces and armed groups in the area- a war that these families have got absolutely nothing to do with. And yet amidst this abject poverty, ostentatious plazas emerge (like the one photographed below), virtual altars to those who claim to be the lords of the area, with names that begin with "Z-U-A" and "G-M-A"...

May there be peace and progress in Maguindanao and the entire country. May the families orphaned by the Maguindanao massacre find the justice they so richly deserve. May we emerge from all this tragedy as a nation that prays more, participates more, and believes more.



passing through Maguindanao, March 2009, using a digicam.

9 comments:

  1. That was a sad massacre and I wish the peace and order situation down south will be resolved.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  2. lahat tayo ganito yata ang wish. at para magkakatotoo ang mga hiling natin, sa atin din nakasalalay ang katuparan nito. wag ibenta ang boto sa May 2010 elections at iboto ang matino at magaling.

    ReplyDelete
  3. Sana nga...sana nga... at sana'y maparusahan na kaagad ang mga may sala nang sa ganu'y hindi tularan.

    ReplyDelete
  4. nakakalungkot talaga ang nangyari sa maguindanao, hangad ko ang pagnalik ng kapayapaan at hustisya sa mga biktima, nice post

    ReplyDelete
  5. all the best from Palawan. Sana magkaroon na ng "totoong katahimikan" ang Mindanao.

    ReplyDelete
  6. Hay grabe talaga ung massacre na un. Sana mabigyang hustisya ang lahat.

    ReplyDelete
  7. Kaylan kaya magkaroon ng katahimikan ang Mindanao? Sana malapit na...

    ReplyDelete
  8. hay wish ko din yan, among many other things. sana nga may magbago na no?

    have a great weekend!

    ReplyDelete
  9. hari nawa magyari ang inyong sinbi.

    ang ganda ng Mindanao tapos sisirain lang *************** :(

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)

    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.