Ang larawan sa itaas ang isang pangkaraniwang tahanan sa Maguindanao, makikita habang binabagtas ang pangunahing lansangan na nag-uugnay sa Lungsod ng Cotabato sa Lungsod ng Heneral Santos. Sa mga mumunting bahay na ito tumitira sa sadlak na kahirapan ang mga naitaboy sa kani-kanilang mga lupa at tahanan ng labanan ng gobyerno at ilang mga armadong grupo- away na wala silang kinalaman. At sa gitna ng kahirapang ito, ang mga magagarbong rotonda (tulad ng larawan sa ibaba) ay umuusbong, mga altar para sa mga umaarteng panginoon sa lugar, ang ngalan nila nagsisimula sa "Z-U-A" at "G-M-A"...
Nawa'y magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa Maguindanao at sa buong bansa. Nawa'y matamo ng mga naulilang pamilya ang katarungan sa sinapit nilang delubyo. Nawa'y umusbong ang isang sambayanang nananalangin, nakikilahok, naninindigan.
HILING = WISH
The top photo depicts a typical home in Maguindano, a common vista along the national highway connecting the cities of Cotabato and General Santos. In these tiny homes live families displaced by war between government forces and armed groups in the area- a war that these families have got absolutely nothing to do with. And yet amidst this abject poverty, ostentatious plazas emerge (like the one photographed below), virtual altars to those who claim to be the lords of the area, with names that begin with "Z-U-A" and "G-M-A"...
May there be peace and progress in Maguindanao and the entire country. May the families orphaned by the Maguindanao massacre find the justice they so richly deserve. May we emerge from all this tragedy as a nation that prays more, participates more, and believes more.
passing through Maguindanao, March 2009, using a digicam.