Thursday, October 30, 2008

Litratong Pinoy (LP): KADILIMAN (Darkness)


Photobucket

Hangga't maaari ay iniiwasan kong maglakbay nang gabi. Hindi dahil takot ako sa aksidente o sa multo. Hindi ko rin naman naging ugali ang matulog habang bumibiyahe (dahil madalas ay ako ang nagmamaneho hahahaha) Gusto ko yung nakikita ko yung daan. Gusto kong nilalasap ang kabuuan ng aking kapaligiran. Para sa akin, ang paglalakbay ay hindi lamang ang makarating ako sa aking paroroonan kundi ang maranasan din ang kulay, saya, kasalatan, kapayakan, karangyaan ng kalikasan, mga gusali, mga tao- dahil sa bilis ng takbo ng buhay ng isang manlalakbay.

KADILIMAN = DARKNESS Whenever I can, I don't travel at night. Not because I was afraid of accidents nor because I was afraid of ghosts- both of which prowl about dark roadways. I seldom sleep while traveling (usually because I'm my own designated driver hehehe) I just like watching the road. I want to savor the environment around me. For me, a journey's goal is not just to get to my destination but to experience the colors, the joy, the poverty, the simplicity, or the exuberance of nature, of buildings, of people- because the life of a journeyman is but fleeting.

somewhere along the North Luzon Expressway, 2006, using my Canon A430 digicam.

Thursday, October 23, 2008

Litratong Pinoy (LP): LIWANAG (Light)



Hindi maitatanggi ang kinang ng New York City salamat sa liwanag ng kanyang mga lansangan dahil sa mga naglalakihang patalastas ng mga produkto at palabas sa kanyang mga entablado. Isa ang New York City sa limang lugar na gusto kong mapuntahan bago ako mamatay. Buhay na buhay ang siyudad na ito; ang sining at kultura ay makikita, maaamoy, madarama, maririnig, malalasahan mo halos saan mo ipaling ang iyong kamalayan.

LIWANAG = LIGHT. New York City has an unmistakable glimmer and glamor, thanks to the myriad gigantic signages advertising products and shows. New York City is one of my top five must-see places before I die. The Big Apple is just bursting at the seams with life; arts and culture is so palpable I taste, see, hear, smell, feel it wherever I turn.

off Broadway, New York City, April 2008, using a Sony DSC-S730.

Thursday, October 16, 2008

Litratong Pinoy (LP): BAGO NGA KAYA? (Is it really new?)




Ang mga bahay sa itaas ang simbolo ng Gawad Kalinga, isang integrated community development program na naglalayong iangat ang antas ng mga mahihirap sa Pilipinas at maibalik ang kanilang angking dignidad at pagkatao- mga katangian ninakaw ng kahirapan. Nguni't higit sa pabahay, may programa rin sa kalusugan, edukasyon, kalikasan, pagkakakitaan, at kapayapaan. Sa kasalukuyan, may humigit kumulang nang 1,500 pamayanan ang Gawad Kalinga sa buong Pilipinas, kabilang ang ilang pamayanan sa Papua New Guinea at Indonesia.

Sa mata ng marami, ang konsepto ng Gawad Kalinga ay bago sapagka't napagbubuklod nito ang iba't ibang volunteer mula sa larangan ng edukasyon, negosyo, mahihirap, at mayayaman. Bago nga kaya ito? Marahil hindi dahil kung tutuusin, isa syang malaking gawaing tila bayanihan, ang maraming mamamayan nagtutulungan, hindi lamang upang mailipat ang isang bahay nguni't para mapaunlad at itaas ang antas ng maralitang Pilipino- gawaing hindi na nga bago sa mga Pinoy.

Ang mga iba't iba kong kwento tungkol sa Gawad Kalinga ay matatagpuan dito.

BAGO NGA KAYA? = IS IT REALLY NEW? The homes above are the symbols for Gawad Kalinga, an integrated area development program that aims to restore the dignity and humanity- characteristics stolen from them by poverty. More than homes, Gawad Kalinga builds communities with health, education, environmental, even peace programs. Currently, there are about 1,500 Gawad Kalinga communities all over the Philippines as well as in other countries like Papua New Guinea and Indonesia.

In the eyes of many, the concept of Gawad Kalinga is a novel one in the sense that it gives an opportunity for various sectors- students, professionals, executives, the rich, the poor- to come together and be volunteers for the least among us. But is it really new? In a sense, it isn't because for the longest time, Filipinos have imbibed and lived out that spirit of Bayanihan or cooperation. This time though, we are not merely lifting a hut and transferring it from one site to another; rather, we are uplifting lives and transforming them to become the best Filipinos they can be.

My other tales and reflections about being a volunteer for Gawad Kalinga can be found here.)

a Gawad Kalinga village in Towerville, San Jose Del Monte, Bulacan, 2006, using my Woca 120G toy camera.

Thursday, October 9, 2008

Litratong Pinoy (LP): LUMA NA (Old)


Ito ang aking unang pagsabak sa lingguhang palaro na Litratong Pinoy (LP). Manaka-naka na rin akong sumasali sa PhotoHunt ni tnchick; nakakatuwa ang pagkakataong maglibot sa maraming bahagi ng mundo at makita ito sa lente ng ibang potograpo at blogger. Nawa'y palarin akong mapabilang sa hanay ng mga kasapi sa manlalaro ng Litratong Pinoy =]



LUMA NA kung maituturing ang kampanang ito na natagpuan ko sa isang simbahan sa Bambang, Nueva Vizcaya. Kung ibabatay sa taong nakaukit sa katawan ng kampana, may higit 171 taon na ito! Sa kasalukuyan, retirado na ang kampanang ito, nagpapahinga na lamang sa isang gilid ng simbahan. Ilang misa o orasyon o babala sa bagyo o paglusob ng kaaway o paghatid sa huling hantungan na kaya ang siyang sinaliwan ng kampanang ito...



(This is my first foray into the weekly game of Litratong Pinoy (LP) or Filipino Photo. I have intermittently joined PhotoHunt of the tnchick; it is a joy to travel the world through the lens of photographers and bloggers. I sincerely hope that the team behind LP will consider me to be part of the roster of their weekly players.

LUMA NA = OLD is an appropriate description for this bell I found on the grounds of a church in Bambang, Nueva Vizcaya. If the date embossed on the bell is to be believed, it would be at least 171 years old! Currently, the bell is retired already, resting near a kiosk beside the church. I wonder how many masses, how many Angelus, how many warnings of typhoons or incoming enemy, how many funeral marches have this bell tolled for...)

St Catherine Church, Bambang, Nueva Vizcaya, July 2006, using my Canon A430 digicam