Mabilis na pag-iisip, malinaw na paningin, matalas na pandinig, matiyagang dila, payapang kalooban, matatag na kamay, maliksing mga paa: ito ang pinapanalangin ko sa tuwing titingin ako ng pasyente, lalo na noong nasa Philippine General Hospital pa ako. Ito rin ang kaparehong panalangin namin ng pumunta kami sa isang bayan 1,000km ang layo sa Kamaynilaan upang magsagawa ng libreng serbisyong medikal at pag-oopera. Awa ng Diyos, nagamit naman Niya kaming instrumento ng paghilom sa maraming kababayan natin sa naturang lugar. Siya talaga ang Sanhi at Pinagmumulan ng galing ng bawat isang manggagamot.
Ang iba pang kwento ng kahusayan, kasama na ang pagmumuni ko tungkol sa EDSA People Power Revolution na ginugunita natin sa linggong ito ay mahahanap dito. Salamat sa mga nangangasiwa ng Litratong Pinoy sa pagpapahintulot na ako'y magkapagbahagi ng lahok sa linggong ito.
HUSAY = ABILITY
Alert mind, sharp vision, piqued ears, patient tongue, peaceful heart, steady hands, quick feet: these are what I pray for every time I'd take care of a patient, especially while I was still under training at the Philippine General Hospital. This same prayer emanated from our lips when we undertook a medical and surgical mission in a province some 1,000 kms from the capital. With God's grace we were instruments of His love to a good number of indigent patients there. He is truly the Reason for and Source of all healing coursed through physicians.
Other stories of great skill and heroism, including my own musings on the EDSA People Power Revolution which we celebrate this week, can be found here. Thank you to the administrators for Litratong Pinoy for allowing me to guest post =]
Sogod District Hospital, August, 2006, using a digicam.
Doc Ian, mabuhay ang tulad mo na may angking kakahayan at husay. Paano na ang may mga sakit kung walang manggagamot na tulad mo?
ReplyDeleteHappy LP!
Kakaibang husay yan! Saludo ako sa iyo!
ReplyDeleteMagandang araw! Ito ang aking lahok: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/02/lp-husay-skill.html
Bilib talaga ako sa mga ganyang "skills" - mukhang mahirap at nakakatakot! Ganda din ng shot.
ReplyDeleteMahusay na doktor, iyan ang kelangan natin ngayon, lalo at nauubos na sila, nag-a-abroad.
ReplyDeleteHappy LP!
Kasama talaga dito ang husay ng lahat ng mga senses....keep it up!
ReplyDeletehindi basta-basta ang kanyang kahusayan at dalangin ko sa Diyos na lagi ka niyang patnubayan..maligayang LP!
ReplyDeleteang galing mo. bilib ako sau. mahirap ang ganyang propesyon.
ReplyDeletehappy LP
good and dedicated doctors ang kailangan talaga ang ating mga kababayan na mahihirap. buti na lang, may mga katulad mo pang doctor na di lang pera ang mahalaga.
ReplyDeletemaliban sa pinag-aralan, husay at galing, biniyayaan ka pa ng PUSO :-)
ReplyDeleteeto naman ang Husay ng aking anak.
Ang galing mo naman!!! maligayang araw ng huwebes ian!!!
ReplyDeletekasiinghusay mo ang 4 na sundalo na nasa kabila mong post, isa ka rin sa mga makabagong bayani ng ating bansa :)
ReplyDeletesalamat sa pagbisita at pagbati =] ginagawa lang po natin ang ating kaya at dapat gawin =]
ReplyDeleteSaludo ako sa mg doktor na tulad mo...
ReplyDeleteEto ang aking lahok
Bilib ako sa mga Doktor na kagaya mo. It's very dangerous propesyon para sakin. One mistake can sometimes cost a life!
ReplyDeleteOkay I mean to say risky!
ReplyDeleteyay! kaya di ako nag doctor! hahaha pero saludo ako sa iyo kasi nakikibahagi ka sa isang serbisyong publiko. i know those people appreciates it so much! pagpalain kayo sa inyong kabutihan...
ReplyDelete