Mabilis na pag-iisip, malinaw na paningin, matalas na pandinig, matiyagang dila, payapang kalooban, matatag na kamay, maliksing mga paa: ito ang pinapanalangin ko sa tuwing titingin ako ng pasyente, lalo na noong nasa Philippine General Hospital pa ako. Ito rin ang kaparehong panalangin namin ng pumunta kami sa isang bayan 1,000km ang layo sa Kamaynilaan upang magsagawa ng libreng serbisyong medikal at pag-oopera. Awa ng Diyos, nagamit naman Niya kaming instrumento ng paghilom sa maraming kababayan natin sa naturang lugar. Siya talaga ang Sanhi at Pinagmumulan ng galing ng bawat isang manggagamot.
Ang iba pang kwento ng kahusayan, kasama na ang pagmumuni ko tungkol sa EDSA People Power Revolution na ginugunita natin sa linggong ito ay mahahanap
dito. Salamat sa mga nangangasiwa ng Litratong Pinoy sa pagpapahintulot na ako'y magkapagbahagi ng lahok sa linggong ito.
HUSAY = ABILITY
Alert mind, sharp vision, piqued ears, patient tongue, peaceful heart, steady hands, quick feet: these are what I pray for every time I'd take care of a patient, especially while I was still under training at the Philippine General Hospital. This same prayer emanated from our lips when we undertook a medical and surgical mission in a province some 1,000 kms from the capital. With God's grace we were instruments of His love to a good number of indigent patients there. He is truly the Reason for and Source of all healing coursed through physicians.
Other stories of great skill and heroism, including my own musings on the EDSA People Power Revolution which we celebrate this week, can be found
here. Thank you to the administrators for Litratong Pinoy for allowing me to guest post =]
Sogod District Hospital, August, 2006, using a digicam.