Thursday, April 23, 2009

Litratong Pinoy: GUSALI (Building)




Sa gitna ng magkakahalubilong kabukiran, kabundukan, at karagatan, nakatindig ang kumikinang na puting bahay pamahalaan ng lalawigan ng Sarangani. Tiyak mo itong mapapansin habang binabagtas mo ang maayos na patag na daan sa bayan ng Alabel, sa bandang kaliwa, kung galing ka ng Lungsod ng Heneral Santos. Bagaman pangkalahatang payak- kung ihahambing sa kapitolyo ng Sultan Kudarat o Maguindanao- may pakiramdam pa rin ako na parang lutang o alanganin ang istrukturang ito sa kanyang kinalalagyan. Totoo, sagisag siya ng kapangyarihan ng pamahalaan at ng nagsusumigasig na umunlad na probinsya, subali't para siyang hinog sa pilit, sa aking pananaw.

GUSALI = BUILDING In the midst of farmland, mountains, and the sea glistens the white provincial capitol of Sarangani. You won't miss it as you zoom through the town of Alabel, on your left side, General Santos City behind you. It is relatively plain and benign- when compared to the provincial capitols of Sultan Kudarat or Maguindanao- but I cannnot shake the feeling that this edifice is just out of place where it is currently situated. True, it is a symbol of the governance of this emerging province, but it feels a little... forced. But that's just me.

Alabel, Sarangani, March 2008, using a digicam.

11 comments:

  1. Ang puti, kitang kita sa blue na background...Sigurado ka bang hindi bahagi ng white house yan? hihi :D Happy LP!

    ReplyDelete
  2. Happy LP po. Ang ganda ng blue background. Naalala ko ang aking roommate na taga Sarangani dahil sa kwento nyo :-)

    ReplyDelete
  3. Pardon my ignorance pero pag sinabing Sarangani e bangus at iba pang lamang-dagat ang laging sumasagi sa isip ko! Halata bang mahilig akong kumain? Hehehe! :D

    Happy LP!

    ReplyDelete
  4. nice ian... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  5. kung hindi ko pa nakita ang pangalang Sarangani sa gusali ay iisipin kong Post Office building ito sa Maynila!

    Magandang araw ka-LP! Sana'y mabisita mo rin ang aking lahok ngayong linggo:
    http://www.maureenflores.com/2009/04/litratong-pinoy-gusali.html

    ReplyDelete
  6. mirage: mistula nga syang bahagi ng white house ano! pero malaki ang gusaling ito, higit ang laki sa white house!

    laagan: ang bughaw na langit noong araw na iyon halos walang katambal na ulap. katirikan rin ng araw, kaya pagkakuha ng ilang litrato agad rin kaming sumilong at kumaripas ng takbo!

    pinky: tama ka! ang hipon at sugpo sa kanila ay 300 piso lang, e kung sa maynila 500++ na!

    lino: salamat sa pagbisita ha =]

    mauie: kahawig nga sila ng post office subali't sa paningin ko mas grandiyoso pa rin ang post office sa maynila =]

    ReplyDelete
  7. para ngang post office ng Maynila ah..sa Sarangani pala. Ang tagal ko nang hindi napunta diyan. Bagong-bago ba yan ?

    Maligayan LP!

    ReplyDelete
  8. mas maganda pa city hall nyo kesa sa amin dito sa paranaque....he! he! paging mayor bernabe!

    ReplyDelete
  9. oo nga kasama sa pag angat ng probinsya ang mga gusaling pinatatayo.. kami nga nito lang din nagkaroon ng magandang munisipyp

    ReplyDelete
  10. marites: nito lang ako napadpad sa sarangani. mukhang bago pa ang government complex na ito =0

    kg: hehe provincial capitol sya kaya medyo mas bongga nang konti sa mga karaniwang city hall =]

    jenny: congrats, at least tumino na ang inyong munisipyo =]

    ReplyDelete
  11. wow ganayan pala ang sarangani capitol

    me too loves to pix capitols & city/town halls

    sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.