Thursday, March 26, 2009

Litratong Pinoy: SAPATOS (Shoes)



Kakaibang karanasan ang Night Cafe sa Divisoria ng Cagayan De Oro. Dalawang araw- Biyernes at Sabado- linggu-linggo, isinasara sa sasakyan ang isang pangunahing kalye ng lunsod upang maging isang higanteng pasyalan kung saan mahahanap ang pinakamasasarap na pagkain, pinakamahuhusay na musikero, at pinakamalawak na pagpipilian ng mga bilihin- lahat sa pinakasulit na halaga. Kabilang na rito ang mga sapatos na may iba't ibang tatak para sa iba't ibang pagsusuotan. Mukhang patok naman ang mga paninda, isa marahil na positibong kabahagi ng nararanasang krisis pinansiyal sa buong mundo...


SAPATOS = SHOES The Night Cafe of Divisoria is a wonderful experience unique to Cagayan De Oro City. Twice a week- Friday and Saturday- of every week, a major city thoroughfare is closed to vehicular traffic and gets converted into this massive marketplace where the most delicious food, most talented musicians, and widest selection of wares- all at the lowest cost- can be found. Included in the for sale items are shoes that will fit every need of any feet. Sales seem to be brisk, one of the positive impact perhaps of the global financial crisis...

Divisoria, Cagayan De Oro City, March 2009, using a digicam.

10 comments:

  1. Wow! meron pala tayong night markets din? Nakakahiya ang kakulangan ko ng kaalaman tungkol sa mga lugar at kaganapan sa Pilipinas.

    Magandang araw, ka LP!

    ReplyDelete
  2. Kaya magandang pumasyal sa LP night andami nakikita hehe....mgkano nman? ndaming pagpipilian ah!

    ReplyDelete
  3. buti pa jan sinasara ung kalye. sa divi dito sa manila hindi. kaya trapik apdin haha

    ang aking sapatos ay andito naman:

    krismas gip :D

    HAPPY LP po! :)

    ReplyDelete
  4. na experience ko rin yang night cafe sa divisoria ng cdo, talagang sarado ang kalye sa traffic, puro tbales and chairs para sa kainan at may stage para sa live band...

    ReplyDelete
  5. masaya talaga sa night market. pwede pa tumawad!

    ReplyDelete
  6. kakatuwa~ Meron din kayong DV. Hehe.

    ReplyDelete
  7. Ay, aliw naman ito, masayang experience ito :)

    ReplyDelete
  8. gusto ko ung part na pinakamasarap na pagakain.. di bale na ang mga sapatos

    Make or Break

    ReplyDelete
  9. Parang nakakatuwa naman dyan. Gusto ko ding pumunta one time sa CDO pero not right now. Di pa nga napunta dyan pero tainted by a bad memory na yang lugar na yan para sa kin. Haha.

    ReplyDelete
  10. Kapag bumisita ulit ako sa CDO, pupuntahan ko ang Night Cafe na ito. Mukhang maraming good buys.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to visit my blog! See you again next time here or in my main blog- So far, so good.