Friday, December 19, 2008

Litratong Pinoy: KAROLING (Caroling)



Nakipagsabayan sa hanay ng mga makukulay na parol sa UP Diliman Lantern Parade ang matunog at hindi nangingiming pagpapalabas ng saloobin ng mga mag-aaral na kumakatawan sa adhikain ng Office of the Student Regent dahil sa napipintong mga pagbabago sa OSR, ang kinatawan ng higit sa 50,000 mag-aaral sa makapangyarihang Lupon ng mga Rehente ng Pamantasan. Ang pangunahing usapin ay ang pagtatakda ng sinasabing pinahirap na pamamaraan para makaluklok ng isang Student Regent, bagay na makaaapekto sa karapatan ng mga mag-aaral na makilahok sa mga usaping pang-Unibersidad. Nagmistulang nangaroling ang mga naturang estyudanteng, naghihintay hindi ng barya kundi aksyon at pakikiisa mula sa pamunuan at hanay ng mga mag-aaral ng UP.

Santa, kung nababasa mo ito, alam mo na ang hinihiling ng mga Iskolar Ng Bayan ngayong Kapaskuhan: ang matigil ang mapaniil na polisiya hinggil sa pagpili ng Student Regent.

KAROLING = CAROLLING Alongside the colorful lanterns and floats in the UP Diliman Lantern Parade, students representing the Office of the Student Regent shared in no abashed terms their sentiments about the impending changes in the OSR. The Student Regent represents the 50,000-plus student body of the University in the all-powerful Board of Regents. The central issue is the new tougher process of Student Regent selection which is perceived to stifle the rights and privileges of students. The OSR presentation was not aimed to solicit coins or money, as ordinary carollers are wont to do, but support and action from administration and fellow students alike.

Santa, you now know what UP students want for Christmas and beyond- that the oppressive policies on Student Regent selection be stopped from being implemented.

Quezon Hall, University of the Philippines Diliman, December 2008, using my Sony DSC P-32 digicam.

Thursday, December 4, 2008

Litratong Pinoy (LP): EKSAYTED! (Excited!)



Hindi talaga ako mahilig sa mga tsubibo at iba pang mga sinasakyan sa isang karnabal. Pero magmukmok sa aming tirahan sa unang Sabado namin sa Finland, minabuti ko na ring sumama sa mga kaklase namin sa isang maghapon sa Sarkanniemi, ang pangunahing amusement park sa Tampere.

Dito ko nakilala ang Tornado, isang kakaibang rollercoaster kung saan imbis na nakadikit sa riles ang aking paanan, ang riles ay nasa aking ulunan. Malayang nakakukuyakoy ang aking mga paa! Aaminin ko na- ako man ay naging eksayted nang makita ko ito! May isa pang ayos na rollercoaster- ang Trombi- kung saan nakadapa naman kaming sumakay, mala-Superman. Kaso wala kaming litrato. Pero may alaala naman ako nitong magtatagal habambuhay...

EKSAYTED! = EXCITED! I'm not really a fan of carnival rides. But rather than spend our first Saturday in Finland all by myself, I opted to join my classmates for a whole day of gallivanting in the premiere amusement park in Tampere, Sarkanniemi. Here I met the TORNADO, a different kind of rollercoaster where the rails are not under my feet but they are located overheard! I must admit, I, too, became excited when I saw this huge contraption, feet dangling and all! There was another fantastic rollercoaster- the Trombi- where we got to ride lying face down, hurtling through the tracks a la Superman. I didn't have any photos of that experience but I had memories to last me a lifetime...

Sarkanniemi Adventure Park, Tampere, Finland, August 2007, using my Canon A430 digicam.