

Sa habang 1.8 kilometro, isa na yata sa pinakamahabang tuluy-tuloy kong nalakad sa buong buhay ko ang Brooklyn Bridge sa New York City. Isang kakaibang karanasan ang tumapak sa naturang tulay na may edad 125 taong gulang, pati na rin ang mahawakan ang mga ga-higanteng mga piraso ng bato at hibla ng bakal at matanaw ang East River at Manhattan skyline mula sa tulay, at madama ang patuloy na pagbugso ng hangin mula sa karagatan ng Atlantiko.
Ang itaas na bahagi ng tulay ay nakalaan sa mga taong naglalakad o nagbibisikleta. Ang mas mababang bahagi ay laan sa may 145,000 libong sasakyang tumatawid papunta at galing ng Manhattan at Brooklyn. Ang magkabaligtarang larawan ng mga taong ito na matatagpuan sa bahagi ng Brooklyn Bridge na nakalaan para sa mga bumabagtas sa tulay nang palakad, ay makikita malapit na malapit sa pinakagitnang bahagi ng kahabaan ng tulay. Nang maabot namin ang bahaging ito ay parang gusto ko nang bumalik papuntang Manhattan pero tumuloy pa rin kaming tumawid hanggang sa umabot kami sa bahagi ng Brooklyn- kung saan kami bahagyang nawala =]
LAKAD = WALK At 1.8 kilometers, walking on the Brooklyn Bridge was I believe one of the longest continuous walking adventures I've ever had. It was quite an experience, being able to touch the huge slabs of stone and the twisted metal cables, taking in a different view of the East River and the Manhattan skyline, even feeling the steady Atlantic breeze.
The upper deck of the bridge is for foot and bicycle traffic, lower decks are for the 145,000 vehicular traffic crossing to and from Manhattan and Brooklyn. This head-to-head symbol for the foot path is located at or very close to the midpoint of the bridge. I thought of turning back and return to where we began, but Brooklyn (on which I have never set foot on) beckoned. So cross the entire length of the bridge we did. Before we knew it we were *slightly* lost in Brooklyn, which made the experience triply fun.
Brooklyn Bridge, New York City, May 2008, using a digicam.